Tatlong araw na nandito si Althea sa amin uli ni Lily, at tatlong araw na din ang nakalipas simula nung sinabing rebelasyon ni Althea sa akin. Di ko kayang maging masaya, gusto ko maging masaya dahil sa magiging anak namin pero pag naiisip ko yun, naaalala ko din yung sinabi niya sa akin.
"I'm pregnant... And dying."
Pag naaalala ko yang sinabi niya na yan, hindi ko mapatawad sarili ko, bakit hindi ko napansin na may dinaramdam na pala si Althea? Tapos ako pa tong si gago na masama ang inisip agad sa kanya, ang una kong iniisip ay may iba na siyang lalaki. Napakagago ko talaga para isipan ng masama ang sarili kong asawa.
Napahingang malalim ako, hindi ko maalis ang tingin ko kay Althea na natutulog nang mahimbing ngayon sa may kama ng kwarto niya. Dahan-dahan kong isinara ang pinto at bumaba papuntang kusina para magluto ng agahan namin.
Itong mga nakaraang araw, wala na akong tulog masyado dahil sa kakaisip kung anong gagawin ko sa kalagayan ni Althea. Gusto ko siyang mabuhay at ang magiging anak namin pero paano?
"May Leukemia ako. May Leukemia na ako dati pa, noong bata pa ako, si Mommy ang nag-aalaga sa akin noon, siya yung gumagawa ng paraan para lang mapagaling ako, para magamot yung sakit ko. Nawala yung sakit ko when I was 12. A year after, namatay si Mommy sa isang Car accident, I've always wished I was there, para hindi ko na naramdaman yung mga sakit na naramdaman ko ngayon, pero I keep on thinking na, hindi, mas okay na sakin yung nabuhay ako ngayon dahil kung hindi, wala akong Lily na magbibigay buhay at pag-asa sa akin." Kwento niya sa akin ni Althea habang umiiyak ito. Pinipigilan kong maluha dahil hindi dapat ako umiyak, kailangan kong maging matatag para sa asawa ko.
"Sandro, bakit ganun? May nagawa ba akong masama sa inyo ni Daddy para pahirapan niyo ko ng ganto? Masama ba kayong mahalin ng buong puso? Ilang beses kong pinilit ang sarili ko na kalimutan kayo. Pero Sandro, sa hindi ko alam na rason, hindi kayo mawala-wala sa isip ko." Napahagulgol na ito at yumuko. Hinawakan ko ang mukha niya at pilit na pinupunasan ang mga luha sa kanyang pisngi at hinalikan ang noo nito.
"Sandro, mahirap ba ko mahalin?" Tanong nito sa akin. Umiling ako bilang sagot.
"Pero bakit ganto? Noong kinasal ako, ang buong akala ko, yung magiging asawa ko ang magbubuo ng pagkatao ko na nasira, pero hindi, nasira pa lalo. Sandro, bakit mo ko ginaganto? Bakit wala na kong ibang naramdaman galing sayo kundi sakit? Ang buong akala ko, okay na tayo eh, ang buong akala ko, mahal mo na ko eh, pero niloko ko na naman sarili ko." Sa pagkakataon ngayon, buong lakas ko siyang hinila para makaupo siya sa may kandungan ko para mayakap ko siya ng husto.
Wala akong ibang nasabi kundi "Sorry." Kasi tama naman talaga lahat ng sinabi niya. Ang sarap murahin ng sarili ko.
Nagulat ako nang may kumalabog sa taas, nagmamadali akong umakyat para makita kung ano 'yon. Nadatnan ko si Thea na nasa may bowl at parang sumusuka.
Lumuhod ako sa gilid niya at inilayo ang buhok niya sa kanyang bibig. Hinagod ko naman ang likod niya gamit ang isang kamay ko.
"Wag ka dito, Sandro. Mandidiri ka lang." Pagtaboy nito sa akin at walang lakas ako nitong itinulak palayo.
"Hindi. Dito lang ako." Pagmamatigas ko dito.
Makalipas ang ilang minuto, tumigil na si Althea at sumandal sa may bowl na tila nanghihina. Kumuha ako ng face towel at binasa ito para ipamunas sa mukha ng asawa ko, "Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko.
Tumango naman ito.
Walang sabi sabi ay binuhat ko 'to para dalhin muli sa kwarto niya at dahan dahang inilapag sa kama niya.
BINABASA MO ANG
My Married Life
RomanceTatlong taon na akong kasal kay Alessandro Fuentebelde, at tatlong taon na ring dumaranas ng lungkot kasama siya. Ang tanging nakapagpapasaya sa akin ay ang dalawang taon kong anak na si Lily. Hindi ko alam kung anong problema sa pagsasama namin, g...