NAPATITIG lang ako sa mukha niya na parang di makapaniwala. Nagbibiro lang siya di ba? Di yon totoo di ba? Imposible.
Siya naman ay nakatitig lang din sa akin, mukhang inaantay ang sagot ko.
Ngitian ko siya at iibahin na sana ang usapan nang bigla siyang magsalita, "Mahal mo ba talaga ako, Thea?" Seryosong tanong nito sa akin.
"Oo." Sagot ko sa isip ko pero umiling ako, "Dalawang araw lang naman kita minahal eh." Sagot ko dito. Pilit kong pinipigilan ang pagtawa ko sa itsura niya.
Kitang-kita ko ang pagsalubong ng kilay niya, "Dalawang araw?" Buong pagtatakang tanong nito.
Tumango ako, "Oo. Araw-araw." Seryosong sagot ko.
Mas lalo akong natawa nang makita kong namula siya sa sinabi ko. Para siyang teenager kung kiligin, ang sarap pisilin ng pisngi.
"Wag mo kong pinapakilig ng ganun, Thea. Kakaiba ako kiligin, nakakabuo ng baby." Pabirong ani nito sa akin.
Mas lalo akong natawa sa sinabi niya. Loko tong kumag na to.
"Let's see." Hamon ko sa kanya.
Lumapit siya sakin at yinakap ako ng mahigpit. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko.
"Ayaw mo bang magkaroon tayo ng isa pang Lily Alessandra?" Tanong nito sa akin.
"Hmm." Tanging sagot ko sa kanya.
"O kaya, baby boy naman ngayon?" Tanong uli nito.
Napangiti ako sa tanong niya. Nako Sandro, kung alam mo lang.
"O di kaya, kambal." Dugtong na tanong nito.
Medyo natawa ako sa sinabi niya. Kambal? Ano kayang pakiramdam na may kambal?
"Tanungin mo si Lily kung gusto niya ng kapatid." Sagot ko sa kanya.
Dali-dali naman siyang bumitaw sa akpin at lumapit sa anak naming kasalukuyang nilalaro ang mga stuffed toys niya.
Umalis siya sa kama at lumuhod sa gilid nito para mapantayan niya si Lily na nakaupo sa higaan namin.
"Baby." Tawag nito sa anak namin pero di siya nito pinansin at patuloy lang na naglaro.
"Baby." Tawag ulit nito pero ganun pa rin.
Tumingin sa akin si Sandro na para bang nanghihingi ng tulong, "Naglalaro kasi, wag kang istorbo." Natatawang suway ko sa kanya.
Tinignan niya lang ako. Maya-maya ngumiti siya na para bang may naisip siyang ideya.
Kinausap niya uli si Lily, "Baby, may teddy bear si Dadda for you."
This time, nagtagumpay na siya. Nilingon siya ng anak namin, "I-ber?" tanong nito sa ama niya na lumiwanag ang mukha sa sinabi nito.
"Yes, baby. I-ber." Tumango ito. "But first, do you want to have sister?" Ulit na tanong nito.
"Ah?" Puno ng pagtataka na tanong nito kay Sandro.
"Sister or brother." Ulit nito sa anak.
Pero tinignan lang siya ni Lily. Halatang di siya naiintindihan nito.
"Okay, I give up." Sukong tugon nito.
Bigla namang tumawa si Lily, "I-ber!" Sabi nito at inilahad pa ang mga palad na tila hinihingi na ang teddy bear na binanggit ni Sandro kanina.
BINABASA MO ANG
My Married Life
Любовные романыTatlong taon na akong kasal kay Alessandro Fuentebelde, at tatlong taon na ring dumaranas ng lungkot kasama siya. Ang tanging nakapagpapasaya sa akin ay ang dalawang taon kong anak na si Lily. Hindi ko alam kung anong problema sa pagsasama namin, g...