Chapter 11: The last straw

72.8K 966 58
                                    

NAISIPAN kong manuod muna ng sine pagkatapos magtrabaho. Kinausap ko muna si Emma na sa kaniya muna si Lily ngayong gabi. Gusto ko kasing magrelax muna kahit konti dahil sa sobrang gulo ng utak ko.

"Gusto ko sanang bumawi sa inyo ni Lily, gusto kong iparamdam sa inyo na kaya kong maging ama at asawa."

Isang linggo na ang nakalipas nang sabihin niya yan sa akin ngunit di ko pa rin malimu't limutan. Gusto kong sumang-ayon sa gusto niya pero hindi ko magawa sa hindi ko alam na dahilan kaya minabuti ko na lang na ibigay niya nang buong buo ang atensyon at pagbawi niya sa anak namin.

Napatingin ako sa likod ng kaliwang kamay ko. Hindi ko maiwasang di kiligin sa ginawa niyang paghalik dito. Kahit pala ganun kasama ang ugali ni Sandro, may konting parte niya ang nakakataba ng puso.

Ang sabi sa akin ni Sandro kaninang umaga ay di daw siya makakauwi ngayong gabi dahil sa sobrang daming ginagawa niya sa trabaho, kaya hindi na ko nagdalawang isip na kunin ang opportunity na 'to para makapagrelax.

Matapos kong panoodin ang isang palabas, hahanap uli ako ng panibago para manood uli. Ginamit ko ang ipon ko para makapanood.

Wala akong ibang ginawa kundi tumawa dahil sa mga pinapanood ko. Dun ko narealize na ang sarap pala sa pakiramdam tumawa.

-

MAG-AALAS ONSE na nang makauwi ako sa bahay. Matapos kong makapasok ng pinto ng bahay at isara ito, laking gulat ko nang may dalawang kamay ang mahigpit na humawak sa balikat ko at biglang isinandal ang aking likod sa pinto. Kinabahan ako sa nangyayari. Dahil tanging dim light lang ng kusina ang nakabukas, kaya medyo nahirapan akong mukhaan kung sino ang taong to.

"Saan ka galing?" Tanong nito sa akin. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa nagsalita. Kilalang-kilala ko na kung kaninong boses ito.

Finocus ko ang sarili ko sa hugis ng mukha nito, hinanap ang mata niya, siya nga. "S...Sandro? A...akala ko di k...ka makakauwi ng maaga n...ngayon?" Nanginginig kong tanong dahil sa sobrang kaba ko.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin, na halos less than 1 inch na ang lapit niya. Naramdaman ko ang halos pagdikit ng labi niya sa labi ko nang magsalita siya, "Wag mo akong sagutin ng isa pang tanong. Saan. Ka. Galing?" Tanong nito sa akin nang dahan-dahan.

Nanlambot ang tuhod ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Makalipas ang ilang segundo, di pa rin ako nakakasagot kaya binitawan na niya ako at dahil nanlambot ang mga tuhod ko, napaupo ako sa sahig sa ginawa niyang pagbitaw.

Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya, nakatingin lang siya sa akin ng walang emosyon. Wala namang bago dun.

Tumayo ako agad para hindi ako magmukhang kawawa sa harap niya. "Nanood ako ng sine kasi gusto kong magparelax kahit saglit lang." Mahinahon kong sagot sa tanong niya habang pinapagpag ang damit ko.

Nilapitan ako nito at hinawakan uli sa magkabilang balikat. "Ang lakas ng loob mong magparelax ah. Hindi mo pa nga nagagawa ang mga gawain dito." Bulong nito sa akin gamit ang sarkastikong boses. Tumalikod ito pagkatapos.

Napabuntong hininga ako, "Sandro, ano ba ako dito? Katulong o asawa? Sana kahit kaunti lang, respetuhin mo naman ako." Mahinhin kong sabi sa kanya. Kahit bilang isang tao at ina ng anak niya.

Binitawan niya ang kaliwang balikat ko at dinuro ako gamit ang kamay nitong ibinitaw, "Paano ko rerespetuhin ang isang taong pumayag ikasal ng sapilitan, ang taong walang pakialam kung may masirang buhay?" Sagot nito sa akin na halata ang galit sa boses, "Paano ko rerespetuhin ang isang babaeng wala na ngang kwentang asawa, wala pang kwentang ina?"

Doon na nawala ang katinuan ko sa huli niyang sinabi, hinampas ko ng maraming beses si Sandro, kinalmot at sinigawan. Ito ang unang beses na naging bayolente ako. Ang sakit ng sinabi niya, sobrang sakit.

The next thing I knew, hawak niya ang mga braso ko na nakaekis habang nakalapat sa may dibdib ko. Nakasandal ang likod ko sa harapan niya at ramdam na ramdam ko ang paghinga niya sa likod ng leeg ko. Ramdam ko din na hirap akong huminga, saka ko naramdaman ang impit kong pag-iyak at naramdaman ang mukha kong basang-basa ng mga luha ko.

"I'm sorry." Bulong ni Sandro sa likod ng leeg ko. "I'm so sorry." Ulit nito na nagpaiyak sa akin lalo.

Naramdaman ko ang pagpatong ng baba niya sa balikat ko at ang paghalik niya sa sentido ko. Naramdam ko din ang paghigpit ng braso niya sa katawan ko na para bang niyayakap ako. "I didn't mean it. Hindi na ako mapakali kakaisip kung nasan ka. Di mo sinasagot phone mo. I'm so sorry, Thea." Nanigas ako sa sinabi niya, ano yun? Mananakit muna siya bago niya marealize?

"Hindi mo alam ang sakit na dinanas at sakripisyong ginawa ko, mabuhay lang si Lily." Pinilit kong sabihin ang mga 'to kahit na hirap na hirap ako dahil sa pag-iyak ko. "Hindi mo alam ang ginawa kong effort mahalin mo lang ako." Hindi na talaga ako makahinga. Pakiramdam ko, parang bibigay ako anytime. Masikip sa dibdib. Naramdaman ko na lang uli ang paghalik niya sa sentido ko, "I know. I'm sorry." bulong nito.

Humiwalay ako sa pagkakahawak niya sa akin, hinarap ko siya. Di ako makapaniwala sa nakikita ko, puno ng kalmot ang mukha at leeg ni Sandro at may medyo kalakihang pasa siya sa may banda dibdib nito. Ako may gawa nun?

Ibinalik ko ang tingin sa mukha niya, napangiti siya sakin, "I deserve it." Mahinahong sabi nito sa akin na pinapahiwatig ang pasa niya.

Tumingin siya sa may kamay ko, at napalitan bigla ng pag-alala ang itsura niya, sinundan ko ang tingin niya at nakita ko ang mga kuko kong nasira at ang ibang mga daliri ko ay dumudugo pa.

"Halika. Gamutin natin yan." Yaya nito sa akin at lumapit. Umatras ako at umiling, "Kaya ko na ang sarili ko." Napabuntong hininga ito sa sagot ko.

Umiwas ako sa kanya at dumiretso sa hagdanan, napahinto ako ng bigla uli siyang nagsalita, "I'm so sorry, Thea. Hindi totoo yung mga sinabi ko."

"I'm tired, Sandro." Sagot ko dito nang hindi lumilingon at nagpatuloy nang umakyat at pumasok sa kwarto ko.

Hindi ko na ginamot ang sugat ko dahil hindi naman ito masakit, siguro dahil mas masakit ang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga sinabi niya.

Humiga na lang ako at umiyak ulit, tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang hagulgol ko. Napakahayop mo Sandro, wala kang karapatan sabihin sa akin ang mga yan. Ang lakas mong sabihin sa akin ang mga yon, na kung tutuusin, ikaw 'tong walang kwenta.

I'm on the verge of sleeping nang may marinig akong katok sa may pinto ko, ipinikit ko nang husto ang mga mata ko at pinilit kong matulog.

"Thea." Tawag ni Sandro mula sa may pinto. Makalipas ang ilang minuto at pagkatok, hindi ko pa rin binuksan. Hanggang sa maramdaman ko na ang isang malalim na hininga, na para bang katabi ko lang siya. "Gusto ko sana makipag-ayos. I'm really sorry sa mga nasabi ko kanina. Hindi totoo yun. Ang gago ko bara sabihin yun." pagsisi nito sa sarili niya "Anyway, Good night, wife. Sleep tight." Hindi ko pinansin ang huling sinabi niya, para san pa?

Matapos kong marinig ang mga yapak niya na nakaalis na siya, pinilit ko ulit matulog and this time, nagtagumpay ako.

-

Comments and votes are very much appreciated. :) Enjoy Reading!

My Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon