Chapter 10: Start of something strange (Thea's side)

77.6K 1K 32
                                    

MAKALIPAS ang ilang araw, nakalabas na din ako ng ospital. Noong mga araw na nasa ospital ako, walang tigil sa pag-aalaga si Sandro sa aming dalawa ni Lily. Ngayong nakauwi na kami, alam kong back to reality na naman. 

Kasalukuyan akong nagluluto ng dinner ni Sandro, si Lily ay nasa crib niya, naglalaro.

"Hi baby ko!" Nagulat ako sa sigaw ni Sandro na may bakas ng tuwa. Napangiti ako ng lihim, sana isa na lang kaming masayang pamilya katulad ng iba.

"Dada." Sambit ng anak ko na may maliit na boses. Noong nasa ospital pa ako, tinuruan ni Sandro si Lily na sabihin ang ilang bagay, tulad na lang ng teddy bear, daddy at milk

"Thea." Napaatras ako nang maramdaman ko ang presensiya ni Sandro sa tabi ko, hindi ko namalayan na lumapit na pala siya akin, buhat buhat nito si Lily na sinusubo ang tenga ng teddy bear na binili sa kanya ng Daddy niya.

"Bakit?" Tanong ko dito, pinatatag ko ang boses ko para hindi mahalata na nagulat ako.

"Tigil mo na lang yan, kain tayo sa labas." Sabi nito sa akin na may malumanay na boses. Kakain kami sa labas? Sasabay kami sa pagkain sa kanya? "Sasabay kami sa pagkain?"  

Medyo napakunot ang noo nito sa sinabi ko, "Oo naman. Kaya magbihis na kayong dalawa." Sagot nito at ibinigay sa akin si Lily. 

Sinunod ko naman siya agad, umakyat ako para bihisan si Lily. Dinamitan ko ang baby ko ng isang flowery na dress na binili ni Sandro. Isang yellow dress din ang sinuot ko para pareho kami ng anak ko. Hindi ko pinansin ang damit na binili para sa akin ni Sandro dahil ayoko magkaroon ng panibagong isusumbat niya sa akin.

Pagkababa namin, nakita kong nakaupo siya sa may sofa habang kinakalikot ang cellphone niya. Kumunot ang noo niya nang makita ang suot ko, "Ano yang suot mo?" Tanong nito sa akin, "Kaya nga kita binilhan ng damit para yun ang suotin mo tapos yan pa ding luma ang gagamitin mo? Utak naman, Thea. Magpalit ka don." Utos nito sa akin na may kasamang pang-iinsulto.

"Komportable na naman ako dito, Sandro." Depensa ko.

"Wala akong pakialam kung komportable ka o hindi, ang sabi ko magpalit ka." Iritableng tugon nito sa akin. "Ano? Magbibihis ka ba o iiwan ka namin?" Dugtong nito nang hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko. 

"Hindi na lang ako sasama." Sagot ko dito. Pakiramdam ko, wala namang magandang pagbabago ang mangyayari ngayong gabi. Hinalikan ko muna sa pisngi si Lily bago ako lumapit kay Sandro at ipinabuhat ito sa kanya.

"Bahala ka sa buhay mo." Sanay na ko sa mga kataga niyang yon. Tumango na lang ako. 

Tumayo ito at binunggo ako para makadaan siya. Sinundan ko sila nang tingin papalabas ng pinto, biglang lumingon si Sandro at tiningnan ako, "Halika na. Sumama ka na."  Yaya nito sa akin na naiirita pa rin.

Napanganga ako sa sinabi niya, akala ko ba bahala ako sa buhay ko? Tatanggi na sana ako nang bigla niyang hilain ang braso ko. Hindi mahigpit ang pagkakahawak niya, himala.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, "Pasok." Dahil na din sa hindi ko kagustuhang maitulak papasok, sinunod ko na lang ito. Inilagay niya naman si Lily sa baby car seat. 

HUMINTO kami sa isang mukhang mamahaling restaurant, nahiya tuloy ako sa suot ko. Hindi ko namalayang pinagbuksan na pala ako ng pinto ni Sandro, "Halika na." Yaya nito sa akin.

"Dito na lang ako sa kotse, Sandro. Nakakahiya yung suot ko eh." Paalam ko dito at akmang isasarado na ang pinto nang kotse nang bigla niyang hilain ang kamay ko, napangiwi ako sa pagkabigla at madiin niyang hila. Bigla niyang hinawakan ang baba ko ng madiin.

"Ano ba kasing sabi ko? Ang sabi ko, magpalit ka ng damit mo di ba, tapos ngayon mahihiya ka?" Bulong niya sa akin na halatang pinipigilan na sigawan ako. Gusto ko maiyak pero nangako ako sa sarili ko na hindi ko na gagawin iyon.

Binitawan na niya ako para kunin si Lily sa car seat, binuhat niya ito at tinignan ako, "Para din naman sa ikabubuti mo yung sinabi kong magpalit ka nang damit, hindi para sakin." Mahinang sabi nito saka tumalikod papunta sa entrance ng restaurant.

Pakiramdam ko namula ang pisngi ko sa sinabi niya, kinilig ata ako. Kaya pala ang sabi mo sa akin, wala kang pakialam kung komportable ako sa damit ko o hindi kasi para sa ikabubuti ko yon? Ang gulo mo, Sandro. Sabi ko sa isip ko habang tinitingnan ko siya na papasok ng restaurant habang buhat si Lily.

Nakita kong hinarap niya ako at lumakad papalapit, "Halika na." Mahinahon niyang sabi at naramdaman kong dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko. Tiningnan niya ako sa mata, "Tara na." may konting ngiti itong inilabas.

Hindi ako nakapalag sa ginawa niya, sobrang nagulat ako sa nangyari. Ngitian niya ako, at hinawakan ang kamay? Nawawala ako sa ulirat sa pinaggagagawa nitong lalaking to. Napansin ko na lang na papasok na kami sa loob ng restaurant.

Kung titignan kami, para kaming isang masayang pamilya at may nagmamahalang magulang, pero hindi. Sana ganun na lang.

Natakot ako sa kabang nabuo sa dibdib ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit parang umaasa na naman ako?

-

Comments and votes are very much appreciated. :) Enjoy Reading!

My Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon