Chapter 22: Reunion Party

39.4K 628 16
                                    

MAGKAHAWAK-KAMAY kaming pumasok ni Sandro sa isang mansyon na pagmamay-ari ng isa sa mga kaklase ko noong high school.

Sinilip ko ang mukha ni Sandro. Mas mukha pa siyang relax kaysa sa akin na kung tutuusin dapat ako ang maging relax dahil kilala ko naman ang mga tao sa loob.

Pagkapasok namin, sumalubong sa amin ang liwanag ng paligid at ang dami ng tao, lahat sila, ang eeleganteng tignan.

Pinagmasdan ko ang kanilang mukha, ang ilan sa kanila, ay hindi ko kilala. Mga asawa o kasintahan siguro sila ng mga kaklase ko.

Biglang may lumapit sa aking isang babae, ano nga bang pangalan nito?

"Thea! I'm so happy you're here." Bati nito saka bumeso sa akin.

Hindi naman ako nakasagot kaagad dahil nakalimutan ko talaga ang pangalan niya. Tinignan niya naman ako na parang inaantay niyang banggitin ko ang kanyang pangalan.

"Shelby." Tawag ng isang lalaking papalapit sa amin. May hawak ito na wine at ibinigay ito sa babae.

Para akong biglang nakaalala mula sa pagkakaroon ng amnesia. Siya nga! Si Shelby San Martin. Siya yung pinakasosyal gumalaw sa aming magkakaibigan. Bahagya akong napasimangot, ganun na ba katagal ko silang hindi nakausap at hindi nakita at pati pangalan nila nakalimutan ko na?

"Hon, you're just in time." Hinila naman ni Shelby ang braso ng lalaki pagkatapos nito iabot sa kanya ang wine.

"I want you to meet Althea. The most quiet one but she's the fierce one." Ani Shelby.

Ngumiti ako na medyo nahihiya. Tahimik, pero fierce? Hindi ko ata matuturing sarili ko na fierce. Iniabot naman sa akin ng lalaki ang kanyang kamay para makipagkamay, kinuha ko ito,

Ngumiti siya, "Carlo Dela Vega. Her husband." Pakilala nito.

"Ay, sorry Mahal." Paghingi ng patawad ni Shelby sa hindi pagpapakilala nito sa kanyang asawa, at yinakap niya ito.

"Althea Fuentebelde." Sabi ko dito.

Matapos kong bawiin ang kamay ko, hinawakan ko ang kamay ni Sandro, "And this is my husband, Alessandro." Pakilala ko.

Iniabot ni Sandro ang kamay nito at nakipagkamay sa mag-asawa.

Tinignan kami ng makabuluhan ni Shelby at nagtanong, "You, love birds, have babies?" Tanong nito sa amin.

"Baby. 2 years old. Our daughter." Nakangiting sagot ni Sandro.

"Aw. Precious one." Sagot ni Shelby, tahimik na nakikinig si Carlo sa amin habang nakapulupot ang braso sa bewang ng asawa. Mukha itong seryoso at tahimik kumpara kay Shelby na palakwento.

"What about you two?" Tanong ko sa mag-asawang nasa harapan namin.

"Soon." Ngiting sambit ni Carlo at hinaplos ang tiyan ng asawa.

"I'm 14 weeks pregnant." Dugtong ni Shelby.

"Congratulations!" Sagot namin ni Sandro. Nginitian naman kami ni Shelby at Carlo at nagpasalamat.

"Come on in, na. The rest of our friends are eager to see you." Yaya ni Shelby sa amin. Sumunod naman kami ni Sandro na magkahawak kamay pa rin.

Bigla akong napatigil nang nakaramdam ako ng hilo, napatigil din si Sandro, "Thea, okay ka lang?" Tanong nito na may pag-aalala.

Hindi agad ako nakasagot, napasapo na lang ako sa noo ko. Makalipas ang ilang sandali, kumurap-kurap ako para tignan kung umiikot pa rin ba ang paligid ko, this time, kaunti na lamang, tinignan ko na si Sandro, na kanina pa nag-aantay ng sagot ko, "I'm fine. Nahilo lang ako bigla."

My Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon