MULA sa kung saan, nakakarinig ako ng pagtawa. Alam kong tawa yon ng anak ko. Hinanap ko yon, hinanap nang hinanap pero puro puti lang nakikita ko.
Pinilit kong ilagay ang sarili ko sa realidad hanggang sa maramdaman ko na lang na binubuksan ko ang mga mata ko. Una kong nakita, ang likod ng anak ko. Rinig na rinig ko ang pagtawa nito at may sinasabi siyang I-ber, ano yun?
Tinignan ko ito ng maigi, meron siyang kasama, si Emma ba yun? Pero bakit parang lalaki? Pinilit ko ang sarili kong tingnan kung sino ito.
Biglang kumabog ang dibdib ko, si Sandro. Anong ginagawa niya dito? Bakit niya kasama ang anak ko? Bakit parang masaya sila? Ang dami kong katanungan pero isang tanong lang ang lumabas sa bibig ko, "Bakit ka nandito?"
Kita ko ang pagtigil nito sa paggalaw at unti-unti akong sinilip nito. Hindi nga ako nagkakamali, siya nga.
Binuhat nito ang anak ko at lumapit sa akin, "Thea?" bungad nito sa akin na parang hindi makapaniwala sa nakikita ka niya. Tinitigan niya ako, tinitigan ko din siya. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang reaksyon niya.
Nagsukatan kami ng titig, hanggang sa magsalita na ang anak ko, "Mama!" Nawala ang konsentrasyon ko nang marinig ko iyon, napatingin ako kay Lily na pilit na kumakawala kay Sandro. Binuhat ko siya agad at niyakap. Namiss ko ang anak ko. Nginitian ko siya at hinalikan sa noo at pisngi ng maraming beses.
"Sandali lang. Tatawag ako ng doktor." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Sandro dahil nakatuon ang pansin ko kay Lily. "I-ber!" sabi nito sabay ipinakita sa akin ang isang cute na teddy bear na kulay pink. Kanino galing to?
"Mrs. Fuentebelde, you're finally awake!" Sabi ng isang doktor na pumasok sa kwarto. Napangiwi ako sa tinawag niya sa akin? Mrs. Fuentebelde?
"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong nito sa akin.
Oo nga pala, nasa hospital ako. Hindi ko agad napansin ang nararamdaman ko nang magising ako. Pinakiramdam ko ang sarili ko sa sakit. "Medyo masakit yung ulo ko, Doc." Sagot ko dito na ikinatungo niya.
"Your head fracture is still healing kaya masakit. Bibigyan kita ng gamot mamaya para inumin pagkatapos mo kumain." Tumango ako sa sinabi nito.
MATAPOS ang ilang examinations sa akin, lumabas na si Doc. Umupo naman si Sandro sa upuan na katabi ng higaan ko. Hindi ako sanay na ganto siya kalapit sa akin lalo na ngayong kakaiba na ang nararamdaman ko sa kanya.
"Bakit ka nandito?" Ulit ko sa tanong ko kanina, hindi niya pa kasi sinasagot ito.
"Binantayan ko kayo ni Lily." Sagot nito sa akin na ikinagulat ko. Totoo ba tong naririnig ko? Binantayan niya kami? Parang may mali. Napataas ako ng kilay ng hindi sinasadya, alam kong ayaw niyang ginagawa ko yon, dahil daw nagmamatapang ako. Laking gulat ko nang hindi man lang nagalit ang itsura nito.
"Binantayan? Kami?" Ulit ko sa sinabi nito dahil hindi talaga ako makapaniwala. Kung hindi lang seryoso ang mukha nito, iisipin kong nagbibiro lang siya. Tumango ito.
"B...Bakit?" Nauutal kong tanong dito baka kasi isipin niyang nag-aassume ako na may meaning ang pagbabantay niya sa akin.
Itinaas lang nito ang balikat niya na senyales na hindi niya alam kung bakit. Hindi na ako nagtanong uli, ayaw niya kasi ng makulit. At nasa mahina akong sitwasyon na pagnagkataong saktan niya kami ng anak ko, wala akong kalaban-laban.
Tahimik lang kami pareho, siya tinitignan kami ni Lily habang ako naman ay hinahaplos ang ulo ng anak ko na nilalaro ang teddy bear niya, palihim akong tumitingin kay Sandro.
BINABASA MO ANG
My Married Life
RomanceTatlong taon na akong kasal kay Alessandro Fuentebelde, at tatlong taon na ring dumaranas ng lungkot kasama siya. Ang tanging nakapagpapasaya sa akin ay ang dalawang taon kong anak na si Lily. Hindi ko alam kung anong problema sa pagsasama namin, g...