Chapter 19: In his arms

50K 773 33
                                    

"HOW are you? You look well." Sabi ni Daddy at walang pasintabing pumasok sa bahay namin.

Wala akong nagawa kundi ang umatras at yumuko na lang. Di ko siya sinagot.

"You know, I was watching you and Sandro a while ago. You two look okay, now. Am I right?" Tanong niya nang hindi pa rin ako nasagot. Bahagya ko siyang sinilip, nakita kong nakatitig siya sa akin na parang pigil na pigil sa kung ano mang emosyong nakatago sa kanya.

Tumango na lang ako bilang sagot. 

"Does he love you?" Napa-angat ako ng tingin sa tanong ni Daddy. Does he love me nga ba?

Dumiretso ako ng tayo at pinantayan ang tingin ng ama ko, "Yes, Daddy. He does."

Ngumiti ito na parang hindi siya naniniwala at tinaliman ang tingin sa akin, "Did he tell you?"

"No. But I know he does." Depensa ko dito.

"Tanga ka!" Diretso at pasigaw na sagot sa akin ni Daddy na ikinagulat ko.

Dahil sa naluluha na ako, inilipat ko ang tingin ko sa anak ko na naglalaro lang ng mga laruan niya sa lugar kung saan ko siya iniwan.

"So, that's your daughter." Nagbalik ang tingin ko kay Daddy. Nakita kong nakatingin na rin ito sa anak ko.

Maya-maya'y ibinalik na niya ang tingin niya sa akin.

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya, di siya sumagat kaya namuno ang katahimikan sa amin pagkatapos.

"Did you tell him?" Tanong ni Daddy.

"Tell him what?" Takang tanong ko sa kanya.

Tumalim ang tingin nito sa akin, "Alam mo kung ano ang sinasabi ko."

Nanlaki ang mga mata ko nang maintindihan ko kung ano ang sinasabi niya. Umiling ako "No." maikling sagot ko dito.

Nakita kong ngumiti ito na para bang nagtagumpay siya, "Ang pinunta ko talaga dito ay ang asawa mo, sasabihin ko na sa kanya."

Nakaramdam ako ng pagkataranta, sunud-sunod akong umiling, naluluha na naman ako, "No, Dad. Please."

Pero tiningnan niya lang ako at alam kong gagawin niya pa rin ito. Wag muna sa ngayon, kung kailan masaya pa ko. Pag nalaman ni Sandro, siguradong...

"Daddy, please." Lumuhod na ko sa harap niya. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at di ko na din napigilan ang luha ko sa pagtulo, "Ako na. Ako na magsasabi sa kanya."

Ngumiti ito ulit sa akin, "Good."

Yumuko na lang ako, bakit ba kasi siya pa ang naging ama ko?

Hindi ko na inangat ang ulo ko hanggang sa maramdaman ko na lang ang malakas na pagsara ng pinto.

Tumayo ako sa pagkakaluhod at matamlay na lumapit at naupo sa tabi ng anak ko,

"Mamma? Kay? (Cry)" Nagulat ako sa tanong ng anak ko, nakatingin na ito sa akin na para bang takang-taka.

Naluluha na naman ako, baby naman eh,Umiling ako, "No, baby."

My Married LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon