Chapter 7

6 1 0
                                    

"oh my gosh narinig mo ba yung sabi ni Ethan?" rinig kong bulong ni Ella kay Shai.

"bagay daw sa kanya" kinikilig naman na sabi ni Shai.

umalis si Ethan para puntahan ang boys. I saw them teasing Ethan pero hindi ko narinig ang sinasabi nila.

"kami nalang ni Chin ang walang ka love team" Shai dramatically said.

"oh my gosh, tell me nag confess na ba siya?" tanong sa akin ni Ella.

"hindi noh, he just said that as a friend" sagot ko sa kanya.

"naku hindi ganyan ang friend noh" sabi ni Shai.

"hoy Shawn!" tawag ni Shai kay Shawn.

"oh baket?" sabi naman ni Shawn at nag lakad papalapit sa amin.

"bagay sakin tong swimsuit hano?" sabi ni Shai at nag pose pa siya na parang model. 

"yuck kilabutan ka nga, mag takip ka na nga kadiri" nandidiring sabi ni Shawn at ibinato sa kanya ang towel.

"gago don ka na nga" pag taboy ni Shai kay Shawn.

"tingnan mo toh, tinawag tawag mo ko tapos paaalisin mo lang din ako. iba ka talaga Shaina Mae" napapailing na sabi ni Shawn atsaka umalis. 

"tamo, ganyan ang friend. nanlalait" sabi sa akin ni Shai at tumatawa naman ang iba. 

"hoy mga panget ano gusto niyong meryenda?" sabi sa amin ni Shawn habang naglalakad papunta samin.

hindi kami sumagot. lumapit pa siya

"hoy ano nga?" sunod na sabi niya.

"kami ba tinatanong mo?" tanong ni Chin at tumango naman si Shawn.

"ah sorry ah sabi mo kasi mga panget, eh magaganda kami" mataray na sabi ni Chin, akmang babatukan ni Shawn si Chin pero inirapan lang siya ni Chin.

"ano nga? kami na nga bibili para sa inyo eh" sabi naman ni Liam.

"libre niyo din?" tanong ni Shai.

"syempre hindi! kami na nga bibili eh masyado niyo nang inabuso kabaitan namin, share share dapat" singit naman ni Tyler.

"sayang naman, kala ko libre" dismayadong sabi ni Shai.

"panigurado ikaw ang pinaka onti mag share, pero pinakamadaming kakainin" sabi sa kanya ni Shawn.

"grabe kayo sakin ha, nakakahurt kayo ng feelings" sabi ni Shai na mukhang hurt na hurt.

we just decided na mag donuts nalang, and I'm pretty sure na may ibang bibilin si Shawn at Liam.

 when they left we just went to the pool dahil mas malapit iyon sa cottage namin kaysa sa dagat. sumali na rin sa amin ang mga natirang boys na mag swimming.

I'm just sitting at the edge of the pool thinking about life because I'm not really a fan of swimming.

I'm looking at the sun. it is shining so brightly. buti pa ang araw kaya pailawin ang buhay ng tao, while me, I kept on living in the dark without knowing whether I light up someone else's day or not.

"hey you okay?" Ethan asked me.

Ethan. maybe that's the reason why I like him, he's the one who always ask me whether I'm okay or not. dati naman walang nag tatanong sa akin non, but when I met Ethan he kept on checking on me and my feelings.

"yeah I'm okay, just hungry" sabi ko sa kanya at nginitian naman niya ko.

"okay, just tell me when you're not okay" sabi niya at tinanguan ko naman siya.

My Safe Place (COF Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon