Chapter 1

1.5K 27 4
                                        

*yawns*

Inaantok pa ako. Traffic. Boring. Sinaksak ko na lang yung earphones sa tenga ko at makikinig ng musika.

♫ Kung inaakala mo

Ang pag-ibig ko'y magbabago

Itaga mo sa ba---

May nag-text. Dun pa sa paborito kong part tumigil tuloy. Asar lang.

"Today, 7pm, Shangri-La meeting with the editors! Bawal kayo ma-late sasabunutan ko kayo. -- Manager Cha"

Ang sweet ng manager ko di ba? Teka, pahinga ko dapat yang mga oras na yan ah? Nireplayan ko siya ng "K" may magagawa ba ko? Trabaho ay trabaho.

♫ --to

Dumaan man ang maraming pasko

Kahit na di mo na abot ang sahig

Kahit na di mo nako mari---

May isa pang nag-text. Bat ganun? Kung kelan di ako nagsa-soundtrip, walang nagti-text pero pag nagsa-soundtrip na ako ng bonggang-bongga saka naman sila nagti-text? Bat ganun?

"San ka na? Baka ma-late ka na naman. -- Brett"

Anong tingin niya sakin laging late? Mga 3 times a week lang naman e. Nireplayan ko siya ng ":P" Hihihi.

"Univ! O yung mga bababa jan ng Univ!" Ang weird nung "Univ" nung kundoktor, conyo lang sa pinakalahat ng conyo. Di na lang niya buohin yung "University". Bibilhan ko siya ng letter e,r,s,i,t,y sa susunod. Ay nandito na pala sa Univ~

Bumaba ako at syempre naglakad papasok ng campus, malapit na ko ma-late, mga 5 minutes na lang magsasarado na yung automatic na gate. May option pa naman ako pag late ako, ang umakyat sa bakod ng likod ng canteen sa likod ng school.

Eh kasi nga traffic. Kakasabi ko lang kanina.

Pagpasok ko ng campus, lahat ng mga mata nila nasa akin. Syempre ako si Jasmine Fuentes--pero hindi dito. Dito, isa akong surot na pumupuwing sa mga mata nila. Oo na po, kasi ang pangit pangit pangit ko talaga. Uno.. dos.. tres..

"Hay.. sira na naman ang araw ko, umagang-umaga ang pangit ng nakikita ko."

"Gosh, parang may nagbago sa kanya... mas lalo siyang pumangit!"

"Hahahahahaha!"

"Parang di naman, ganun pa din e, pangit pa din!"

"Bat pa kasi siya nandito? Di naman siya bagay dito e." 

Kung automatic ang gate ng school namin. Automatic din ang bunganga ng mga schoolmates kong bratinella. Imagine, wala pa kong 4 meters mula sa gate. Ay grabe, bilib ako sa kanila. Bilib din ako sa sarili ko kasi hindi nila alam na ako si Jasmine Fuentes.

"Jaja!"

Boses pa lang, Brett na Brett na. Sabi ko sa kanya wag niya kong kakausapin sa school. Siya lang din kasi nakakaalam ng sikreto ko. Sabi nga, "There's at least one person who knows your deepest secret." Naks, quotes.

"Kung ano man ang sasabihin mo, i-text mo na lang or else pati number mo buburahin ko na rin." bulong ko sa kanya nung lumapit siya.

Takbo naman ang loko paalis. Yun pala si Brett, ang bespren kong baduy. Nagtatrabaho din siya sa 8teen, hindi model syempre, multimedia assistant. Isa siya sa pinaka-gwapo dito sa school, as in "pinaka" halos lahat kasi ng nag-aaral dito gwapo, maganda o kaya mayaman, matalino. Ngayon alam nyo na kung bakit surot ang tingin sakin dito. *sighs*

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon