HAWAK NI ZAC ANG CELLPHONE KO.
Gusto ko na sana magpanggap na mahihimatay kaso mas lalala pa ata sitwasyon pag ginawa ko yun? Sa tingin nyo?
Silence. Nagakatinginan kami.
"Is this yours?"
"Umm.. let me.. explain.. myself first." pilit kong sabi habang hinihingal pa.
Lumapit ako sa kanya. Tumayo siya, hawak niya pa rin ung cellphone ko sa kamay niya.. tiningnan niya ko ng masama. As in masama talaga. Alam kong pangit ako pero yung tingin niya e..
"Don't tell me you're..."
OMG. hala ayan na...! Hinablot ko yung cellphone ko mula sa kanya.
"Please, secret lang to, wag mong ipagkakalat sa school please!" I begged him.
"What? Are you a stalker?"
Ha?!
"Stalker?"
"Bingi ka ba? I mean bakit mo wallpaper yung pic namin ni Jasmine Fuentes?"
Tiningnan ko yung cellphone ko. Naka-unlock pala with password! Buti na lang high-tech ang cellphone ko, na-set ko pala siya na mag-unlock kapag hindi pinindot for 10 minutes. Bless the inventor of this phone.
"Oh."
"Don't come near me. How did you know I'm here in the rooftop? Are you trying to rape me?" sabi niya na parang nandidiri ang tingin at naka-cross arms sa dibdib niya.
Aba ilang patong kaya ng semento nilagay niya sa mukha niya? Ang arte-arte parang hindi lalaki! Rape? Pwede rin, hahaha joke! Nagawa mo pang mag-joke Jasmine eh parang any moment imu-murder ka na ni Zac!
"FYI I'm not a stalker!"
"Liar. You just have my picture on your wallpaper! Ichurahin mo pa lang e. Nakakadiri ka, ang pangit pangit mo pa!"
Sige ipagsigawan mo pa nang makarating yan sa langit. Kala ko pa naman, iba siya sa iba. Well, what do I expect? Pare-parehas lang silang mga halimaw sa school na eto.
"I'm not a stalker, I'm a fan!"
"Ganun din yun! Sige na bibigyan na kita ng autograph, wag lang picture, ayokong may kasamang pangit sa picture! Tapos lumayas ka na."
Tingin naman niya gustong-gusto ko siya? May kasama pang lait e. Lelang mong panot, in your dreams! Hmph. Let's turn the switch off, FOREVER.
"Not you, I'm fan of Jasmine Fuentes! So don't think na gusto kita. Bye."
Iinirapan ko siya, lumabas na ko ng rooftop. Napatigil ako sa may pinto nang narinig ko siyang nagsalita..
"Jasmine Fuentes huh.. I hate girls like her."
Oh please, di ko na keri ang kahibangan ng lalaking ito. Ano ba talagang nasa isip niya? He hates me pero he posted on twitter na 'we're officially dating btw'. What the capital F! Ano ba talaga.
Binuksan ko yung cellphone ko, oh em gee gee gee gee baby baby baby~ 79 missed calls and 156 messages.
I guess kailangan ko nang basahin ang mga to.
"What's that news about? Call me when you read this text, IMMEDIATELY! -- Manager Cha"
"Sis, I didn't know you're seeing Zachary! See me soon, let's talk. -- Monique"
"Ate kailan ka ba dadalaw dito sa ospital? Daming beses ka pinakita sa TV ah. May boyfriend ka na daw? Totoo ba yun? -- Lil bro."
... etc.
BINABASA MO ANG
// i'm not beautiful
Teen FictionYes, every girl wants to be beautiful. Pero si Jasmine, baliktad. She doesn't want to be beautiful? Beautiful in PUBLIC. In reality, she's the ever gorgeous popular teen model of the magazine -- 8teen. In campus, she disguises herself as an ugly-duc...
