Chapter 14

630 10 0
                                    

Nako-kornihan ako dun sa mga babaeng OA makapag-react pag na broken.

Nagpapakalasing, halos talikuran na ang buong mundo, magmumukmok, iiyak ng iiyak tas magpapagupit ng buhok (Anong connect di ba?), ang pinakamatindi pa eh yung mga nagpapakamatay dahil lang sa isang lalaki. How foolish.

But now I understand. That feeling of loneliness, sadness and emptiness na unti-unting dumudurog sayo.

"Love nga naman."

Siguro nga mas masakit pa yung naramdaman ni Zac nung iniwan siya ni Jen. Parang nawalan ako ng karapatan magmukmok kasi napakababaw lang nung akin.

Pero hindi naman ako magpapagupit ng buhok no at lalong di ako magpapakamatay. Sa lahat ba naman kasi ng magugustuhan ko, si Zac pa. Sa katunayan, ang dami pa nga niyang atraso sakin.

But I'm glad, I said goodbye. Para malinaw na lahat no, wala namang pag-asa bat aasa pa? *sighs*

"Kasi naman eh. Epal talaga yung lalaking yun!"

"Bat mo kinakausap sarili mo?" Harvey! I didn't see him, masyado kasing malalim mga iniisip ko. Teka, ano ginagawa nya dito sa bus stop? Alam ko kasi na mas nauuna siya makasakay.

"Hey, ano ginagawa mo dito?"

"What do you think? Syempre hinihintay ka."

"Bakit naman kailangan mo pa kong hintayin?"

"Trip ko lang. Tara na, andiyan na yung bus oh. O mas gusto mong dumeretso sa Mandaluyong?" asar ni Harvey. Marami kasing Mental Hospital dun e, nakita niya pa kong nagsasalita mag-isa. Hmmm, pero nagulat ako kasi inintay nya pa ko kahit trip nya lang.

"Ano na naman yang pinapakinggan mo?" tanong niya sakin pero bago pa ko makasagot e kinuha nya na yung isang earphone at isinaksak sa tenga niya.

I'm here without you baby

But you're still on my lonely mind.

I think about you baby and I dream about you all the time.

I'm here without you baby

But you're still with me in my dreams

And tonight, it's only you and me. 

(Author's note: Here Without You by Boyce Avenue cover ----->)

"Yan na naman?"

"Ibang version naman e! Boyce Avenue cover yan."

"Kahit na ganun pa din yun. Parang pang broken-hearted kasi yang kantang yan e."

>___________________________<  natamaan ako, ouch naman Harvey.

"HINDI AKO BROKEN HEARTED!" nagtinginan lahat ng nasa bus. Napasobra ata pagtanggi ko. Masyadong obvious.

"Bakit parang defensive ka ata?"

"Hindi nga sabi e."

"Okay okay! Haha." binalik nya sakin yung isang earphone. Di na sya nagtanong pa o umimik hanggang sa makarating kami sa school.

*

"Let's talk." sabi sakin ni Jen nung lunch time na, hinila-hila niya ko palabas dun sa walang tao.

"Balita ko sabay na naman kayo ni Harvey pumasok? Sabihin mo nga sakin Jasmine, bestfriend lang ba tingin mo kay Harvey o may gusto ka rin sa kanya? Kaya ba ayaw mo kong tulungan ha?"

"Huh? Of course not!" Para namang manghuhula to sa Quiapo si Jen kung makapag-conclude, walang tumatama eh.

Yes I like Harvey pero yung 'like' na yun mas more on admiration, malayong-malayo sa love kahit sabihin pang alam kong gusto ako ni Harvey na hindi ko naman alam ang rason.

"Eh bakit mo siya laging kasama?"

"Ang pilit mo. Wala nga eh." tinalikuran ko siya at mabilis naglakad papuntang cafeteria. Kahit anong sabihin ko, di naman maniniwala ang isang babaeng nagseselos. Sinusundan niya pa rin ako maglakad.

"I said talk to me!" hinila nya yung braso ko nung nasa may gitna kami ng hagdan ng cafeteria.

"Ano ba! Bitiwan mo ko!" pinipilit kong tanggalin niya yung pagkakahawak niya kasi naman ang sakit na talaga.

"Ayoko. Just tell me the truth already!" 

"I said it alre-----" sa pagpupumiglas ko, sabay kaming natisod sa may hagdan at gumulong-gulong pababa. Naramdaman ko na yung sakit ng katawan ko at wala na kong lakas para tumayo. Nakita ko si Jen na napapapikit na rin sa sakit.

"Jasmine!" boses yun ni Zac at Harvey!

"What the hell happened?" tanong ni Harvey.

"Dadalhin kita sa infirmary!" bigla akong binuhat ni Zac (yung princess style :">)

"Ako na." sabi ni Harvey.

"Hindi, ako na." sagot naman ni Zac.

Di na nagpumilit pa si Harvey dahil buhat-buhat na rin ako ni Zac at nagmadaling pumunta ng infirmary. Ano to? Pwede ko bang isipin na isa akong bida sa teleserya na pinag-aagawan ng dalawang lalaki? Sa sobrang sakit ng katawan ko, nagawa ko pang mag-isip ng kalokohan =.=

Everyone in the cafeteria is in uproar. Si Zac ba naman at Harvey nagmistulang shining armor.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit ako ang tinulungan netong mokong na to imbes na si Jen? :O

Ako siguro una niya nakita? Dala lang siguro ng sitwasyon?

Habang binubuhat nya ko, eh halos rinig ko na yung tibok ng puso nya dahil nakasubsob yung mukha ko sa dibdib nya. Sabi ko kakalimutan na kita e. Goodbye na nga di ba? G-O-O-D-B-Y-E

Pano ba naman ako makakamove-on nito kung mas lalo akong nai-inlove sa kanya!

Zachary Imperial, ano bang meron sayo?

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon