INB Special 1 - Zac and the Panda

575 8 3
                                    

- Jasmine's POV -

"Guys madami-dami pa tayong aayusin!"

"Kala ko ba magpa-party tayo? Sana pala nakipag-date na lang ako!" sabi ni Brett.

"Anong sinasabi mo?! Ayaw mong tumulong?!" galit na sabi ni Zac.

"Sorry na."  sagot ni Brett hahahaha takot kay Zac!

"Jasmine ba't di mo pa to itapon?" hawak ni Zac yung panda plushie na binigay sakin ni Harvey dati. "Itatapon ko na ha."

"WAG!" sabay naming sigaw ni Harvey.

"Yan pala yung panda na binigay mo dati kay Jasmine, Harvey!" singit ni Jen.

"Hmph."

Parang naasar si Zac? Hahahaha ang cute niya! Parang yun lang! Nagselos kagad?

- Zac's POV -

Ano ba naman yun! Ang tagal tagal na pala ayaw niya pang itapon! Eh ang pangit pangit na naman nung panda! May sentimental value daw?

Sentimal value nila mukha nila!

"Zac... ang cute mo pag nagseselos!" hinawakan ni Jasmine yung cheeks ko.

"Di ako nagseselos!" ako magseselos? Si Zachary Imperial nagseselos? No way! "Tumabi ka nga dyan."

Tinaboy ko si Jasmine at halata yung pagkalungkot sa mukha niya. Ano bang nangyayari sakin! Argghh!

"Wag ka mag-alala Zac, matagal ko nang isinumpa yung panda na yun~" bulong sakin ni Jen.

"Di ka nakakatulong alam mo ba yun!"

Tapos may binulong pa siya sakin, napangiti ako.

- Jasmine's POV -

Parang ewan si Zac! Kagabi pa ko hindi kinakausap! Wala man lang text o ano.

Parang panda lang! Ang isip bata ng mokong na yun! Bahala siya, di ko din siya kakausapin! Tingnan lang natin kung sinong makatagal!

*ding dong*

"Coming!"

Pagbukas ko ng pinto....

isang..

Panda bear na LIFE SIZE ang tumambad sakin!

"Sorry babe sana nagustuhan mo. Love, Zac"

Niyakap ko yung panda bear nang parang wala nang bukas.  Apology accepted!

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon