Chapter 24

520 10 0
                                    

"Sorry Harvey. I hope you understand, I can't go out with you while having these feelings."

Sa tingin ko naintindihan naman ni Harvey. Di naman sa hindi ko siya gusto, gusto ko siya pero hanggang kaibigan lang. Sobrang bait niya, actually lahat na nga nasa kanya e, nagtataka nga ako sa sarili ko kung bakit hindi na lang si Harvey ang nagustuhan ko.

*one sigh*

"I'm sorry to tell you this Jasmine, but you will not be on the next cover of 8teen. Monique will be." sabi sakin ni Director.

Simula nung issue kay Zac pati na rin kay Harvey, ang daming lumalabas na kung ano-anong rumors na hindi totoo. Pinakamasaklap sa lahat ng sinabi nila ay nanggagamit lang daw ako ng lalaki para sa kasikatan. Sa business na to, hindi masyadong pinapahalagahan ang katotohanan.

*two sigh*

Out of 15 projects na meron dapat ako this month, 3 na lang ang natira isa na dun ay yung MV ni Harvey. Sa ibang advertisement na dapat ay magre-renew ako ng contract, di na sila nag-offer, wala na din yun 2 CM ko next month.

*three sigh*

"How's life?" tanong sakin ni Monique.

"Umm great. Can't you see?"

"Sorry girl, di ko naman akalain na ako ang pipiliin sa next issue eh."

"No, it's not about you Monique."

Syempre bababa din yung sweldo ko. Konting ipon na lang madadala ko na yung kapatid ko sa America para tuluyan na siyang gumaling.

*four sigh*

Umalis na ko ng office at sumakay ng elevator from 14th floor to GF. Tumigil sa 10th floor at nagbukas.

Oh tell me not.

Zac.

*five sigh*

Awkward.

"Are you... and Harvey going out?"

"Why do you care?"

"Nothing."

"Are you happy now?" tanong ko kay Zac. "Oh, I forgot to congratulate you. Congrats. Sa wakas nagkabalikan na kayo ni Jen."

"Yes I'm happy. Thanks."

*Calling Manager Cha*

"I'm sorry Jasmine, gagawan ko ng paraan para magkaroon ka ng projects ulit."

"Okay lang po sakin yun Manager. Dumadaan naman po talaga sa ganito e. Magpapahinga po muna ako hangga't wala pang projects na dumadating."

"Pano yan? Dapat next month dadalhin mo na yung kapatid mo sa America di ba? Ayos lang ba i-postpone yun?

"Actually as soon as possible kailangan na po siya madala sa America sabi ng doctor pero siguro kaya pa naman po."

"Okay basta, tuloy naman yung MV with Harvey eh. Bye."

"Nawalan ka ng projects?"

pagtatakang tanong ni Zac pero di ko siya sinagot.

"I'm sorry Jas---"

Nagbukas yung elavator.

"Hi Jasmine!" kumaway sakin si Harvey. "Oh Hi Zac!" kumaway din siya kay Zac nang makita niya to.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ah. Chineck ko lang yung studio kasi bukas na namin ishoo-shoot yung first MV ko." sagot niya kay Zac.

"Oh I see. Bye." umalis na si Zac.

At di maalis yung tingin ko sa kanya.

"Baka matunaw!" pang-aasar ni Harvey.

"Ewan ko sayo."

"Tara lunch tayo, treat ko." Syempre tatanggi pa ba ako? Libre eh.

Dito lang kami kumain sa mini-restaurant sa tabi ng company, kasi di naman kami pwedeng lumayo. Alam nyo na, artista.

Habang kumakain kami napag-usapan namin yung tungkol sa kapatid ko.

"Gusto mo pahiramin kita? Magkano ba kulang?"

Napaubo ako sa sinabi ni Harvey.

"Wag na. Dami mo na naitulong kaya! Malaki nang tulong yung MV mo." sagot ko sa kanya. Ayoko na lumaki pa ng lumaki yung mga utang na loob ko sa kanya.

"Sabi mo eh." sabi niya.

"Excuse me Harvey, punta lang akong restroom."

Habang nasa loob ako ng cubicle naririnig ko yung pinag-uusapan nung mga babae sa labas.

"Grabe, bagsak na talaga si Jasmine Fuentes."

"Oo nga eh. Nakita nyo ba kasama niya si Harvey kumain?"

"Yeah. Balita ko nakiusap si Harvey kay Director na wag palitan yung ka-partner niya sa MV. Si Monique na dapat yun e hindi na si Jasmine."

Napanganga ako sa narinig ko.

Harvey... why...? Why do you always help me?

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon