Chapter 5.1

864 15 0
                                    

Namamaga pa mata ko dahil sa puyat at pag-iyak. Masyadong affected e. Ayokong pumasok pero kailangan. May exam kami sa Japanese class, paborito ko pa naman ang Japanese kaya di ako pwedeng bumagsak dun. Ikou!

Nag-ayos na ako. Este nag-transform. Feeling ko numipis yung salamin ko, pero syempre feeling ko lang yun. Tas nagtirintas ng buhok sa magkabilang sides.

Nag-antay ako sa bus stop. Parang ang tagal ata dumating? Nilabas ko yung mp3 player ko. Oo, yung lumang mp3 player, meron pa ako nun. Dumating na yung bus. Syempre sumakay ako, alangang titigan ko lang.

Pagpasok ko, may nakaupo dun sa favorite spot ko. Naka-uniform ng Bale University din. Ay akala ko ako lang nagbu-bus na estudyante papuntang school, mga palakang pachuchal kasi sila eh. Di ko makita mukha niya kasi nakaharang yung librong binabasa niya. Hmph.

Dun na lang ako umupo sa bago magdulo. Di ako sanay pramis. Sinaksak ko na lang yung mp3 ulit.

Ganito tayo dito eh background song, feeling music video lang habang nakatingin sa labas ng window.. parang ang ganda ng view.

Here without you baby by 3 Doors Down! Classic! Nakaka-senti ng wala sa oras. Eh yung album na 'Away from the sun' ang nahablot ko habang nagmamadali paalis, di ko trip ma-late, parang tatamarin ako umakyat sa bakod sa likod ng canteen.

♫♪ A hundred days have made me older

Since the last time that I saw your pretty face.

A thousand lies have made me colder

And I don't think I can look at this the same.

All the miles that separate

Disappear now when I'm dreamin' of your face.

I'm here without you baby

But you're still on my lonely mind.

I think about you baby and I dream about you all the time.

I'm here without you baby

But you're still with me in my dreams... ♫♪

Ay pukang ama. Bakit siya pumapasok sa isip ko? Paki-delete po, yung permanent na. Nagfa-flashback yung mga sinabi niya sakin kagabi! Ang sakit talaga.. tagos hanggang kaluluwa, damay damay pati lahat ng organs ko. Wag ko lang talaga siyang makasalubong ngayong araw!

Kailangan ko ng pampa-good mood. Let's open le twitter.

"@jas_fuentes Totoo po ba? Kayo na ni Zachary? Wow swerte!" -- kala mo lang pre.

"@jas_fuentes Pakialagaan na lang po si Zac ko huhuhu.." -- ayoko. ano yun aso? ok lng, mukha nman siyang asong ulol.

"@jas_fuentes Magkwento naman po kayo tungkol sa inyo ni Zac!" -- gusto mo ba talagang ikwento ko pa ang kakapalan ng mukha ng lalaking yun!

NOT A GOOD IDEA PALA. Anubayan, kelan ba lilipas yan?

"Psst.." May naririnig ba ako? O imagination ko lang? "Psst.."Nanggagaling ata sa likod yung sumisitsit.

Pagkalingon ko,

*bam* 

AWWWWWW.

Nagkauntugan kami. Sa sobrang sakit ng noo ko hindi ko mamulat mata ko. Itai itai itai~

"Aray ko naman. Ang tigas pala ng noo mo." sabi niya.

Nang binuksan ko na yung mata ko....

"Harvey?"

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon