"It's over."
Sabi ko sa sarili ko.
Ayoko na magpadala sa nararamdaman ko. Ayoko na kay Zac. Ayoko na masaktan. Binura ko yung picture namin sa wallpaper ko pati na rin yung number niya sa cellphone ko.
1 week ko nang hindi nakikita si Zac. Buti naman at hindi kami nagkakasalubong sa company o sa campus. Nagpalipat din ako ng upuan, kung san hindi ko siya matatanaw. Medyo nakatulong din to para maka-move on ako. Move on talaga?
"Congrats! Eto na ata ang pinamalaki nating sales sa buong history!" tuwang-tuwang sabi ni Director habang nag-cheers kami ng drinks. Dahil sa success ng 8teen mag na ang cover ay kami ni Zac, nagkaroon ng party sa loob ng company. Mga attendees bukod sa staffs ay puro models din.
"Thanks to our very own princess, Jasmine Fuentes!" lahat ay kinongrats ako at nagpasalamat naman ako.
"Zac is late, we will see him here later." Dagdag pa ni Director. Buti naman later pa siya dadating at nang makaalis na nga dito!
"Manager, I think I need to go. My head badly hurts, I guess I'm having a headache." nagkunwari akong may sakit at nagpaalam kay Manager.
"Ha? Hindi pwede!" pigil sakin ni Manager.
"Bakit po? May kailangan pa po ba akong gawin dito?" Arghhhh ayokong maabutan ni Zac dito no!
"May announcement mamaya si Director, tungkol sayo. It's a surprise." kumindat siya sakin binigyan niya ako ng gamot na galing sa bag niya. Wow may lahing girls scout si Manager! Pero di ko ininom, kunwari lang naman kasi ><
"Ha?" Ano naman kaya yun? Bagong project? Sana nag-meeting na lang. Daming ek-ek ni tanda.
Dinaan ko na lang yung frustrations ko sa pagkain. Daming masasarap na pagkain ngayong gabi! Pagkatapos kong kumain, pinaupo ako ni Manager sa harapan. As in sa pinakaharap at binigyan ako ng juice, inumin ko daw habang naghihintay. Ang weird ng lasa, parang hindi juice! Ok na rin, wag lang alak, bukod sa wine eh sobrang hina ko talaga sa mga inuming may alcohol.
Umakyat si Director sa stage at tumapat sa mic. "Goodevening everyone, hindi pa dito natatapos ang party. We have a special announcement for all of you." Eto na kaya yung sinasabi ni Manager?
"Let me present to you, our new talent,
Harvey Santillan!"
*claps*
Tinapik ni Manager yung balikat ko, "This is what I'm talking about. Siya yung vocalist dun sa Club Labyrinth, naaalala mo pa?"
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Si Harvey nga! Si Harvey! New talent? Wow.
"He will debut as a solo artist under our company." Eh talented ba naman tas ang pogi pogi pa! Nagtataka nga ako e, bat hanggang ngayon di pa siya artista.
"And..
he will shoot his first music video with Jasmine Fuentes."
Omg! Tama ba yung narinig ko?
Nakatingin at nakangiti sakin lahat pati si Manager. I smiled back. Waaaa ako talaga :") Biglang good vibes!
"Jasmine.." I heard a familiar voice na ayaw na ayaw kong marinig sa panahong ito. Biglang bad vibes :(
"Ep ep!" nag-stop sign ako at tumigil siya sa paglapit sakin.
BINABASA MO ANG
// i'm not beautiful
Teen FictionYes, every girl wants to be beautiful. Pero si Jasmine, baliktad. She doesn't want to be beautiful? Beautiful in PUBLIC. In reality, she's the ever gorgeous popular teen model of the magazine -- 8teen. In campus, she disguises herself as an ugly-duc...
