Chapter 17

628 9 3
                                    

"Jasmine, sorry talaga sa lahat ng nagawa ko! I already told the truth to Harvey and Zac." sinalubong ako ni Jen pagpasok ko ng classroom.

Di ko alam kung ano sasabihin ko. Papatawarin ko ba siya? Mukha naman siyang sincere e, saka hindi ako yung klase ng taong nagkikimkim ng galit, nakakapangit kaya yun!

Hahahaha. Oops, pangit naman pala talaga ako ngayon.

Oh. So kaya pala parang di na galit sakin si Zac. Ay ewan, wala pa rin akong balak makipag-ayos sa mokong na yun! Ewan ko ba pero naiinis talaga ako kahit si Jen naman yung may gawa.

Mas masakit kasi yung hindi niya ko pinaniwalaan nun. Oh well, sino ba naman ako sa kanya?

"Ah.. eh.."

"Sige na please! Nadala lang talaga ako ng emosyon ko nun!" Medyo naiintindihan ko naman siya. Pag talaga mahal mo ang isang tao, makakagawa ka ng mga bagay na di mo inaakala. *ehem* insert Zac's name here *ehem*

"Osige, I'll forgive you basta wag mo na uulitin yun!" she hugged me sa sobrang tuwa niya. Feeling ko tuloy parang sinapian lang siya ng masamang ispiritu nung mga panahon na yun.

Nako nako, wag lang talaga nya uulitin kundi ipapatapon ko siya sa ibang planeta.

"Ok friendship! Pero hindi pa rin ako susuko kay Harvey ah! I'll fight for him fair and square." sabi niya.

"Fight? Bakit? May kalaban ka ba?" tanong ko. Bigla niya kong tinuro. 

"AKO? Hahahahaha hindi ko nga gusto si Harvey kulit mo!"

Parang naniwala na siya talaga.

"Eh sinong gusto mo? Hmmmm.... si Zac noh? May pabuhat-buhat pang nalalaman!" parang nang-aasar lang yung tanong. Maka-banggit naman ng pangalan. Teka lang te, di pa ko ready >< 

"Bat di ka makasagot? Tama hula ko? Sabi ko na nga ba eh! Waaaaa ikaw ah!" dami niyang sinabi kinukurot-kurot niya pa braso ko. 

"Haynako, wag ka mag-alala dadamayan kita. AKO ATA ANG REYNA NG 'UNREQUITED LOVE' KINGDOM! Bwahahahaha." 

Awwwww. Unrequited Love daw ><

"Nakabili ba kayo ng bagong issue ng 8teen? Ang gwapo ni Papa Zac dun shet!"

"Oo naman! Balita ko nga, nagkaron ng instant autograph session dun sa classroom nila kanina! Kainggit!"

"Girls, ang swerte talaga ni Jasmine Fuentes!"

"Swerte din naman si Papa Zac sa kanya eh! Naku, kung ganun lang ako kaganda!"

"Nabasa nyo ba yung announcement sa site kagabi? Si Harvey Santillan ng Performing Arts ng school natin magde-debut as solo artist!"

"Really? Kyaaaaaaaa!~"

"And guess what.... si Jasmine Fuentes lang naman ang makakapartner niya sa first MV nya!"

"Kyaaaaaaaa~ so lucky! Iba talaga pag sobrang ganda!"

Updated ang mga loka. Pero salamat na din sa mga compliments at pagbili ng magazines, nakakatats! Kilig naman mga kili-kili nila kay Papa Zac at Papa Harvey aysos.

"Si Jasmine Fuentes lang talaga kontrabida sa buhay natin. Tsk." sabi sakin ni Jen. Naging kontrabida pa ko ng wala sa oras >< 

"But I'm happy for Harvey~" In-love na in-love pa rin talaga siya kay Harvey kahit na-reject na siya ng many times nito.

"Uy si Zac!" sigaw nung isa kong classmate. 

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon