Chapter 13

645 12 1
                                        

Ngayong araw nga pala yung photoshoot ko with Zac.

Wala na yung feeling ko na ayaw ko siyang makita. Simula nung nanggaling kami sa ospital, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.

Pero.. bakit ganun? Parang medyo nalulungkot ako?

"Hi Jasmine!"

"Goodmorning Jasmine!"

"Goodluck, Jasmine!"

Bati sakin nung mga tao sa location. Nakipag-kamay ako sa mga producer at camera man. Tas dumertso na ko sa Dressing Room.

"Jasmine! Nice to see you again! *mwah mwah*" That's my make-up artist.

"I missed you Ate~"

Mga 1 hour nya kong pinapaganda hehe ganun talaga pag photoshoot, mas matagal mas maganda resulta.

"Jasmine!" kumaway si Zac.

"Oh andyan ka na pala."

"Ang ganda mo ngayon ah." First time nya ata akong kinompliment! MAY HIMALA!

"Lagi naman eh wuhaha." sagot ko.

"Except sa school!" Onga pala, pangit nga pala ako sa school. Echosera naman ako.

"Alam mo yan~"

"Sige mag-aayos na muna ako." umalis na siya at pumunta sa dressing room niya.

Nakakapanibago. Walang kasing bangayan at sigawan between samin ngayon.

Nagsimula na yung shoot. Parehas naman kaming sanay at professional kaya walang ilangan.

"Titigan mo si Zac, Jasmine!"

"Isang ngiting matamis diyan Zac."

"Yung tingin na parang gusto mo siyang yakapin!"

"Good. Good. Very good!"

"Give me a kiss!"

"KISSSSSSSSSSS?"

"Jasmine, don't overreact sa cheeks lang. Parang di naman kayo magboyfriend/girlfriend!"

"Haha." tumawa si Zac. "Feeling mo sa lips noh."

Natapos yung shoot after 5 hours. Nakakahiya yung kanina talaga. Tinawanan pa ko ni Zac.

"Oh tubig."

"Salamat."

"Diyan din ako uminom"

Pakshet, muntikan na kong masamid. Ano yun indirect kiss? Gyaaaaa~

"Hahaha joke lang. Iniisip mo, indirect kiss?"

"Stop your lame jokes, Zac." Kahit kelan talaga ang galing magbasa ng isip netong si Zac.

"Bilis mo naman mapikon."

"Break na tayo." sabi ni Zac. Nasamid ako literally. "Okay ka lang?"

"Oo, di naman tayo eh bat ka nakikipag-break?"

"I mean ia-announce ko na break na tayo. Syempre after lumabas nung magazine."

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon