"Kyaaaaa! Si Zac oh!" tili nung mga babae sa cafeteria.
Di naman talaga nagtatagal si Zac sa cafeteria, kasi nga pinagkakaguluhan siya at laging pinipicturan nakakairita pero nginingitian niya na lang, baka mawalan pa siya ng fans.
"What is he doing here? Di naman yan tumatambay dito eh! Nvm, ang gwapo nya talaga! Kyaaaaaaa!"
'Ano nga bang ginagawa ko dito? Asan kaya si Jasmine pangit? Ay, ano ba, bat siya hinahanap ko? Erase erase, si Jen! si Jen ang hinahanap ko!' tanggi nya sa sarili. Nakita nyang papalapit sa kanya si Harvey, parang may sasabihin. May sasabihin din siya dito---
"Tulong! May nahulog sa hagdan!"
Parehas silang napalingon. Si Jasmine yun ah?
"Jasmine!"
*
Di alam ni Zac kung bakit si Jasmine ang una niyang inalala. Dahil sa sya una niyang nakita? Dala ng sitwasyon? Nakasunod din si Harvey na buhat buhat naman si Jen. Rinig niya ang pag-iyak ni Jen. 'Bakit nga ba hindi si Jen ang tinulungan ko?'
Hindi nagsasalita si Jen. Tuloy pa rin ang pag-iyak niya. Hindi dahil sa sakit ng katawan, dahil para siyang na-itsapwera kanina dun. Parehas ba namang si Jasmine ang unang pinuntahan ni Zac at Harvey. 'Ano bang meron dun sa Jasmine Sta. Maria na yun? Eh ang pangit pangit niya naman.' Isip nito. 'Pati ba naman si Zac!'
"Are you alright? Masakit pa ba?" tanong ni Harvey kay Jasmine na ngayon ay naka-higa na sa kama pagkatapos gamutin nung school nurse nila. Kurtina lang din ang pagitan ng kama nila ni Jen.
"Jen..." sabi ni Zac.
"Wag mo kong kausapin, dun kayo sa Jasmine nyo!" narinig din ito ni Harvey at Jasmine.
"Ano ba kasing nangyari?" na-guilty si Zac. Yung tono ni Jen ay parang nagseselos. Naaawa din siya dito, kasi kanina pa to hikbi ng hikbi.
"Si Jasmine kasi... Si Jasmine tinulak ako sa may hagdan... tapos napakapit ako sa kanya kaya nahulog din siya... bat niya pa kasi ako kailangan itulak..." mas lalong lumakas yung iyak nito pagkatapos magsalita. Ngayon lang nakita ni Zac na umiyak ng ganito si Jen.
"Anong karapatan mong saktan si Jen ha!" galit na galit na sabi ni Zac kay Jasmine. Alam niya kasing may gusto sa kanya si Jasmine at baka kaya niya to ginawa ay dahil nagseselos siya kay Jen.
Ayaw na ayaw niya pa namang nakikitang nasasaktan si Jen, naaalala niya yung pambubully sa kanya nung highschool pa lang sila.
"I thought iba ka! Katulad ka lang din pala ng ibang babae!" sigaw niya kay Jasmine na punong-puno ng galit.
"Ha? Hindi ko yun ginawa!"
"Si Jen na mismo nagsabi! Look, she's really hurt." Bakit siya lang ba? Hayop sa galing magsinungaling ni Jen. Syempre siya kakampihan ni Zac kahit ano pang sabihin ko.
"Zac, intayin mo naman yung explanation ni Jasmine." singit ni Harvey. Alam kasi nitong hindi magagawa ni Jasmine ang binibintang ni Jen. Nagtataka din siya kung bakit nagsinungaling si Jen, eh hindi naman niya to ugali.
"Anong explanation? Di mo ba narinig yung sinabi ni Jen? Huwag mong sabihin na mas naniniwala sa kanya."
"But--"
"Harvey ano ba, I'm telling the truth here!" sigaw ni Jen. Gulong-gulo na si Harvey. Imposible talaga.
"Jas!" bumukas ang pinto ng clinic at alalang-alala si Brett na pumasok. "What happened? Are you okay?"
"Mukha ba kong okay Brett? Labas na tayo dito, iuwi mo na lang ako." wala rin namang silbi mag-explain. Saka pa lang tumulo yung luha ko.
"Okay. Papatawag ko na yung van." sabi ni Brett habang yakap si Jasmine. "Yes ma... there's a little accident here. Pasabi naman sa driver na pakibilisan at pumunta na dito sa school... Okay."
"Kaya mo bang tumayo? " Inaalalayan niya si Jasmine ng biglang pinigilan siya ni Harvey.
"What are you?" Nagtaka kasi si Harvey. Bakit kilala ni Jasmine tong si Brett? Tas iuuwi nya pa to, may van pa. Sino ba siya kay Jasmine? Di maitago ni Harvey ang selos niya ngayon na alam niyang si Jasmine Sta. Maria at si Jasmine Fuentes ay iisa.
"Let them go." sabi ni Zac.
Tuluyan nang nakalabas si Jasmine at Brett sa clinic.
"And now Brett.. plano niya bang landiin lahat ng gwapo dito sa school?" sabi ni Jen.
"Watch your mouth Jen." inis na sabi sa kanya ni Harvey. Nagulat din si Zac sa pananalita ni Jen. Hindi naman kasi ganito ito magsalita. She sounded like any other bitch na nagkalat sa school nila.
"Sige ipagtanggol mo siya Harvey! Porke ba Jasmine ang pangalan niya ha?"
"Alam ko kasing hindi niya magagawa yung sinasabi mo! I know her. And please, drop that attitude. It's not like you."
"What like me? Alam mo ba kung ano yung totoong ako? Ni hindi mo nga ako tinitingnan eh, puro ka Jasmine! Lahat na lang ng Jasmine! Dati ako yung inaalala nyong dalawa! Dati.. tayo yung magkakasama.. Kung hindi naman dahil sa kanya, hindi ako magsisinungaling eh!"
"WHAT?!" nabiglang sabi ni Zac. 'So hindi pala totoo yung sinabi ni Jen? Nagsinungaling lang siya dahil kay Harvey? And what's more, sinigawan ko niya pa si Jasmine kanina.' Argh.
"Zac... ah.. I'm sorry.. I didn't mean it... please..." hawak-hawak niya yung kamay ni Zac at pilit na nage-explain.
"No! Don't touch me." Naghalo-halo na yung nararamdaman niya. Galit kay Jen, galit sa sarili, 'I'm so pathetic.' "I can't believe you anymore." lumabas na siya ng clinic at pagdating niya sa may gate, nakaalis na si Jasmine. Di na siya nakahingi ng sorry.
"I'm the worst. Bakit ba kasi di ko siya pinakinggan kanina?" Nadagdagan na naman ang kasalanan niya dito. Di niya alam kung pano magso-sorry at makakabawi.
Lahat ng pagmamahal niya kay Jen, unti-unti nang naglalaho at napalitan ng disappointment. Akala niya kahit anong gawin ni Jen, matatanggap niya kasi mahal niya to, hindi pala.
"Jasmine."
BINABASA MO ANG
// i'm not beautiful
Teen FictionYes, every girl wants to be beautiful. Pero si Jasmine, baliktad. She doesn't want to be beautiful? Beautiful in PUBLIC. In reality, she's the ever gorgeous popular teen model of the magazine -- 8teen. In campus, she disguises herself as an ugly-duc...
