Chapter 28

542 12 2
                                        

♪ ♫ Maybe sometimes, we've got it wrong, but it's alright

The more things seem to change, the more they stay the same

Oh, don't you hesitate.

Girl, put your records on, tell me your favourite song

You go ahead, let your hair down

Sapphire and faded jeans, I hope you get your dreams,

Just go ahead, let your hair down.

You're gonna find yourself somewhere, somehow. ♬

Traffic.

Nakasaksak yung earphones ko sa tenga ko.

This will be the last time I will be riding this bus.

 

Pero hindi ako papuntang school. 1week na din akong hindi pumapasok dun (wala na rin namang papasukan pa), naayos na kasi yung transferee documents ko saka madami pa akong kailangan asikasuhin.

  

Papunta ako ngayon sa company. This is the very last day of my contract, as model of 8teen. Magpapaalam na rin ako kay Manager at kay Director.

"Jasmine, mag-ingat ka dun ha. Skype tayo pag may time ka."

"Sure Manager Cha."

"Ikaw ha! Malaman ko na lang may boyfriend ka nang kano pagbalik mo dito! Mamimiss talaga kita!"

Niyakap ako ni Manager. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya. Kung pwede ko lang siyang tawaging 'Mama' eh. But she's already my second mom at heart. I love her.

"What is 4 years Manager? I will be back in no time."

Umabot ng gabi yung kwentuhan namin ni Manager, kaka-reminice nung mga old times. Wala akong pinagsisihan sa mga nangyari kahit isa.

Pauwi na sana ako nang madaanan ko yung garden. Oh, the morning I spent here with Zac! Napangiti ako ng maalala ko yun. Matagal ko na rin siyang hindi nakikita. But I think alam naman niya na aalis ako, kasi nga siya yung nagbigay sakin nung application form.

How is he?

Pumunta ako ng cafe para bumili ng coffee. Umupo ako dun sa may side ng garden kung san ako umupo dati at nagmuni-muni.

'This is the best morning I ever had' nag-echo sa isip ko yung boses ni Zac.

Then, I get my pen and scribbled something on the cup. Iniwan ko yun dun, but I'm not sure kung mababasa nya. This is so impossibe. Natawa na lang ako sa sarili ko. Pagkatapos ay umalis na ako sa company at umuwi. Tomorrow is the day.

- Zac's POV -

Nakakapagod.

Shooting dito, shooting dyan. Photoshoot dito, photoshoot diyan. Gabi na pero hindi pa tapos, pero sanay na naman ako. Madami lang talaga akong iniisip.

"Okay, we will have a 15-minute break."

 

 

Okay, kailangan ko ng fresh air. Lumabas ako ng studio at bumili ng coffee, tapos dumeretso ako sa garden. Ewan ko ba, pero parang may something na nag-uudyok sakin na pumunta dun.

Dun ako umupo sa dati kong inuupuan. Hahaha, naaalala ko pa yung '4 metersh~" ni Jasmine! Kamusta na kaya siya? I hope masaya na siya. Nabalitaan ko kasi na aalis na siya bukas papuntang US. Sabi ko na nga ba eh, may potential siyang maging isang magaling na pianist simula nung napakinggan ko siyang tumugtog sa amusement park.

Napalingon ako sa dating inupuan ni Jasmine. May nakatayong coffee cup dun. Hmmm.. may nakasulat ata? Lumapit ako para kunin yun.

"Hey I told you to not come as close as 4 meters from where I am. You never changed. Haha what am I doing? Even though I know it's impossible for you to read this. But you know me, I always keep hoping. Yeah, I just want to say thank you. Thank You... goodbye."

You're welcome Jasmine.

Sumilip ako sa balcony ng garden. Nakita kong sumakay si Jasmine sa taxi.

As I thought.....

... I'm always too late.

Goodbye Jasmine.

----------------

A/N: Last chapter na po ito. Sana nagustuhan nyo! LOL Joke. Next chapter pa yung last chapter. Bahala na kung may Epilogue hohoho. Wala pong magkakatuluyan dito, joke lang yung 'Romance' genre. Hahahaha. I-murder si Author!

Vote & Comment! Yay panda~

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon