Epilogue

677 11 7
                                    

"I'm back!"

 

Yes. Nakauwi na ko sa Pinas after 4 years. I've already graduated in Julliard and I now work in  International Choir Musicians. Dito na rin mag-aaral ang kapatid ko, dahil naging successful naman ang operation niya.

"Jasmine, I missed you!" yakap sakin ni Jen.

  

"Jasmine.. what's up!" bati sakin ni Harvey, well walang yakap kasi di na siya touchy sakin..

Alam nyo ba kung bakit? Kasi nililigawan na niya si Jen! Wuhahaha ang pakipot kasi netong si Jen, gusto pa daw niyang pahirapan si Harvey eh halatang-halata naman na gustong-gusto niya to! Ang cute lang nila.

"Let's go!" kinuha ni Brett and Harvey yung mga maleta kong dala at inilagay sa loob ng sasakyan.

"Kamusta na kayo? Balita naman!" sabi ko sa kanila habang nakasakay sa sasakyan.

"Uhmm.. eto ako, hindi pa rin sinasagot ni Jen! Sabihin mo nga Jasmine sa kanya na sagutin na niya ako!" pagki-kwento ni Harvey ng nakasimangot. Epic!

"Hahahahaha!" tawa namin.

"Manigas ka!" sagot ni Jen. "Si Brett pala may sineseryoso nang babae! Ayieee! Di na siya playboy!"

 

"Feeling playboy lang naman yan eh! Pa-cool!" sabi ko. "Hanggang ngayon pa din noh?"

"Wag ka nga Jasmine!" pero naka-ngiti namang wagas at namumula. Binata na!

Ayun buong oras lang kaming nagtatawanan sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa apartment namin.

"See you later guys!" paalam ko sa kanila. Magpa-party kasi kami mamayang gabi. May mga trabaho pa silang pupuntahan. Sisipag!

"Lil bro, punta lang ako kay Manager Cha ha. Pahinga ka muna, mamaya na lang tayo mag-ayos pagbalik ko."

 

--x

Nasanay lang ako na tawagin siyang Manager kahit di ko na siya manager haha. Pumunta ako ng company. Wow, madaming nagbago! May mga staff pa din naman nakakakilala sakin, nakakatuwa! 

At ang daming posters ni *ehem* Zac *ehem* sa pader. Medyo nagbago na din yung itsura niya. Paano ko ba sasabihin, parang nag-mature at grown-up man ang dating. Hmmm.. may bago siyang drama.. kasama si Monique. 

"Jasmine! It's nice to see you again!" pagsalubong sakin ni Manager.

 

"I missed you Manager!"

 

"Manager pa din? Namiss ko alaga ko!" niyakap niya ko.

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon