Chapter 19

656 12 0
                                    

"Yung pinakamalapit sa puso mo."

 

Dahil sa sobrang gulat ko e nagtatatakbo na lang akong parang ewan palayo. Wala namang habulan effect na naganap.

Di ko alam kung seryoso siya o ano. Ang alam ko lang e naguguluhan talaga ako. Zac, ano ba. Wag mo na kong guluhin please lang! I already found my resolution. Handa na akong kalimutan ka.

*call from unknown number*

"Sino naman kaya to?"

 

 

"Hello. Who's this?"

"Binura mo na pala number ko." boses ni Zac. Si Zac nga T^T

"Goodb--"

"Don't you dare! Hindi binababaan ng telepono si Zac Imperial! Kahit 400 miles pa ang layo mo sakin, I'll still look for you. Remember that." pagtapos niyang sabihin yun, binaba niya na yung call. Ang yabang pa din kahit kelan.

Pag nagkikita kami sa school o sa company, it's either tinataguan o tinatakbuhan ko siya. Pagkatapos kasi nung sinabi niya sakin nung gabing yun, parang bibigay kaagad yung feelings ko sa kanya the moment na lapitan niya ko.

Ayoko na magpaka-tanga.

Ayoko maniwala sa sasabihin nya, di rin naman siya naniwala sa akin noon di ba? Kwits.

Pagbukas ko ng locker ko, may message na naman. Aba, di ko matandaang naka-subscribe pala ako sa lalaking to?

"Sasama ka ba sa school excursion? I will. -- Zac"

 

 


Yung excursion, parang field trip na camping yun. 3 days, 2 nights siya. Actually napayagan na ko ni Manager, sumama na daw ako habang pwede nya pang ma-cancel yung mga minor projects ko at nang makapag-relax naman ako kahit papano, kinwento ko kasi lahat ng tungkol kay Zac sa kanya.

Di ko expected na pupunta si Zac. 2X busy pa yun sakin e. Himala nga na makakasama ako.

Papunta na kami ngayon ng Bagiuo. Buong year level kasama. Nasa iisang hotel lang lahat. Hmmm di ko pa nakikita si Zac sa byahe. Si Harvey naman bumati lang bago kami sumakay sa kanya-kanyang bus.

"Excited na ko friendship!" sabi ni Jen. 

 

 

"I already have a plan wuhaha!" yung plano niya may kinalaman na naman kung pano niya mahuhuli si Harvey. Parang isda lang e no. "Ikaw meron ba? Kay Zac?"

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon