It's Wednesday morning
Di ko pa rin trip pumasok. Absent ako since Monday. Masyado ko atang dinamdam dun sa nangyari with Zac. Tapos, sa Saturday na yung shoot namin para sa cover ng 8teen. Kung minamalas ka nga naman!
*ding dong ding dong* "Jasmiine! Jasmine!"
"Brett."
"May sakit ka ba ha? Anong nangyari sayo, bat di ka pumapasok? Bat di ka nagrereply? Di mo rin sinasagot mga tawag ko?"
"Dami mong tanong! Nanay ba kita? Ah basta." Wala talaga akong pakialam sa kung may activity ba, exams o projects. Basta ayaw ko pumasok, period.
"Anong basta basta! Pumasok ka! Isusumbong kita kay Manager mo!"
As if naman may magagawa ako pag si Brett ang nagsabi. Mabibingi lang ako sa kapipilit niya, parang megaphone pa naman ang bunganga neto ><
"Oo na."
Tumingin ako sa salamin. Ano nga kaya kung pangit na lang ako? Kung hindi ako yung Jasmine Fuentes na kilala nila? Siguro hindi ako magkaka-problema ng ganito. Ay erase, erase, kung hindi ako si Jasmine Fuentes, baka patay na kami dahil sa gutom ng kapatid ko ngayon
"Oy, Pangit ka na. Ms. Jasmine Sta. Maria, mala-late na tayo!" Yaya ni Brett.
Pumasok kami ng school. Di ko gets yung atmosphere, wala yung mga manok na mahilig pumutak sa umaga. Habang naglalakad ako sa corridor, lahat sila may hawak na newspaper, aba aba nag-iimprove! Sa pagbabasa at pagtsi-tsismisan nila, di nila ko napapansin. Wow, buti naman may iba na silang hobby ngayon -.-
"Jasmine!" *with matching kaway* Bati sakin ni Jen, oo nga pala classmate ko siya. Pero kelan pa kami naging close?!
"Tingnan mo to!" Pinakita nya sakin yung headline nung nasa newspaper.
'TEEN SUPERSTARS, ZACHARY AND JASMINE CAUGHT ON A SWEET DATE!'
yung picture ay yung magka-holding hands kaming pumasok ng Ferris Wheel. Sweet daw! Nako nako.
O.O
WAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!! Pakshet lungs. Ang galing talaga ng timing ko pumasok. Yung mga bagong hobby pala ng mga palaka kong schoolmates eh tungkol pa rin sakin T.T
"Eh bakit parang mas gulat ka pa sakin? Don't tell me crush mo din si Zac? Katulad nila.." tinuro ni Jen yung mga classmate namin na halos naglulupasay na at naghihinagpis dahil ang kanilang prince Zac ay taken na, yup ganyan sila ka-OA.
"Huh? Hindi noh. Nagulat lang ako." >.>
"Ang kapal lang niya di ba? Kaka-break lang namin tapos nakikipag-date na kaagad siya sa iba!"
Bakit parang masyadong siyang nababahala eh sa pagkaka-alam ko si Harvey ang gusto niya.
"Bakit? Gusto mo pa rin ba siya?"
"HAAAAAAAAAAAAA?" Nagulat ako sa reaction niya. "Over my dead body! Yes, I liked him but I never loved him. Hahahaha" How can she laugh like that >.> Nakakaasar lang ://
"Ahhh."
"Saka pano mo nalaman? Eh walang nakakaalam nung tungkol samin dito."
Shoot.
Di ko alam na wala palang nakakaalam. Onga naman, kung alam nung mga classmate naming palaka na nandito lang pala ang ex-girlfriend ni Zac... oh I can't even imagine *.*
"Uhm.. eh.. ano.. kasi.. kinwneto sakin ni Harvey!"
"Ni Harvey? How--"
*bell*
"Let's talk about it later."
Ano naman ba to. Habang mas lalong ayaw kong makialam sa kanila, mas lalo naman akong nai-involved. Umupo na ko sa upuan ko. Tanaw ko yung pwesto ni Zac, kaso wala siya dun. Ay absent? Buti naman.
tik tok tik tok. Ang bagal ng oras.
Nagsimula akong mag-doodle sa likod ng japanese notebook ko.
Nag-drawing ako ng mga chibi na Zac, yung galit, malungkot, tumatawa, nakangiti at umiiyak. Nagsulat ako ng:
'Zac, ang yabang mo!' 'Sungit!' 'The one I hate the most.' 'Napaka-epal mong alien' 'YOU! WHY DID YOU DO THAT? I HATE YOU! I HATE YOU!' 'すき!' (suki, 'i like you' in japanese)
"Tara, mag-usap tayo." hinila na lang ako ni Jen papuntang cafeteria. Bahala na. "Umorder muna tayo bago ka mag-explain kasi gutom na gutom na ko eh, hehe ;)"
"Ok." Ang dami niyang inorder, parang hindi kain babae. Amasona ata to eh?
"So? How did Harvey told you that?"
"Um.."
Bago pa ko mabitay, este, bago pa ko makapag-explain...
"Bestfriend!" Narinig ko yung boses ni Harvey pero di ako lumingon di ko kasi sure kung ako ba tinatawag niya. "Jasmine, kanina pa kita tinatawag. Sabay na ko sa inyo kumain ah."
Nakatingin sakin si Jen ng i-understand-now look. I guess there's no need for me to explain anymore. Nakatingin din halos lahat ng estudyante sa table namin.
"Kelan pa kayo naging mag-bestfriend?" tanong ni Jen.
"Last week lang ehehe" sagot naman ni Harvey.
"Ah, so kilala niya ba kung sino yung special someone mo?"
"Nope, di ko alam." ako na yung sumagot.
Alam ko naman eh, si Jasmine Fuentes, ako, yung gusto ni Harvey :"> Di ko lang alam kung bakit. Di pala alam ni Jen.
"Tss. Nabalitaan mo ba yung kay Zac at kay Jasmine Fuentes?"
"Yup." Ang gloomy ng pagkasagot ni Harvey. "And so?"
"Wala lang."
"Bakit? Nagseselos ka?" tanong ni Harvey kay Jen. Selos nga ba si Jen? Kala ko ba wala siyang gusto kay Zac?
"Hindi noh! Bat naman ako magseselos, eh ikaw nga yung gusto ko diba?!"
....... kelangan ko bang umalis sa eksena? *invicible power* korni ko >.>
"Jen, I'm thankful for your feelings for me but I'm sorry, di ko yan kayang suklian. I can't make you happy. May ibang makakapagpasaya sayo at hindi ako yun. Alam mo naman di ba, my heart is already beating for someone. So, I'm sorry." paliwanag ni Harvey
"SINO BA KASI YANG SOMEONE NA YAN HA? MALAY KO BA KUNG INIMBENTO MO LANG YAN PARA I-REJECT AKO! TELL ME THE TRUTH HARVEY!" hala galit na si Jen!
Kanina pa nagtitinginan yung mga tao dito samin sa cafeteria, eh kasi nga nandito si Harvey. Lalo pa tuloy silang dumami, nung sumigaw tong si Jen. *tunawin nyo na lang po ako, at nang mawala ako dito sa eksena*
"Si Jasmine Fuentes! Siya ang gusto ko. Are you satisfied now?" After niyang sabihin yun, nagwalk-out na siya. Ni hindi man lang siya nagpaalam sakin or what.
I know that Harvey likes me. But I don't know why and how? Pano niya ko nagustuhan, eh hindi naman kami magkakilala.
"Siya na naman! That Jasmine Fuentes, I hate her!" Now, Jen hates me. Feeling nya siguro inagaw ko sa kanya si Harvey though hindi naman sa kanya si Harvey waaa T^T
*1 message received*
"Pumunta ka sa office mamaya. We need to talk to the both of you" -- Manager Cha
Both?
Me... and that guy! Grrrr.
BINABASA MO ANG
// i'm not beautiful
Teen FictionYes, every girl wants to be beautiful. Pero si Jasmine, baliktad. She doesn't want to be beautiful? Beautiful in PUBLIC. In reality, she's the ever gorgeous popular teen model of the magazine -- 8teen. In campus, she disguises herself as an ugly-duc...
