Chapter 23

510 12 2
                                    

"Di mo ba ako natatandaan?" tanong ni Harvey sakin.

Nagkita na ba kami dati pa? Wala akong matandaan *kamot ulo*

"Hindi e." sagot ko.

"Grabe ka, di ko akalain na makakalimutan mo ako kaagad."

"Sorry di ko talaga matandaan eh."

Mas lalo tuloy akong napaisip.

"Venus Music Festival, 5 years ago."

Hmmmmm... AH! Yung yung last performance ko bago ako sumuko sa pagiging musician! Si Harvey nga yun! Yung payatot na batang mukhang sunflower!

"Tanda mo na?"

"Umm.. medyo." 

*Flashback*

"Hello.. anong tutugtugin mo?"

May lumapit sa akin na isang batang lalaki. Feeling close. Nakangiti pa siya.

"Pake mo?" sagot ko.

Sobrang badtrip ako. Iniwan kasi kami ng tatay ko para sa ibang babae simula nung namatay si Mama. Parang wala nang saysay ang buhay ko. Pero kailangan kong bilhan ng gamot ang kapatid ko kaya kailangan kong manalo dito.

"Ako, mag-gigitara at kakanta."

"Tinatanong ko ba?"

Kahit nagsusungit ako sa kanya ay nakangiti pa din siya sakin. Mukha siyang sunflower.

"Piano. Piano ang tinutugtog ko." na-guilty kasi ako sa pagsusungit ko.

"Cool. Goodluck sayo!"

Habang tumutugtog ako, nagkamali ako ng madaming beses. Ewan ko ba, sobrang sama pa kasi ng loob ko kaya hindi ako masyadong nakapag-concentrate.

Pero.. may pumalakpak. May isang pumalakpak.

Si sunflower boy! Andun siya sa di kalayuan at nakangiti pa din. Di ba nangangalay yung pisngi niya? Whatever.

Siya yung nanalo. Ang ganda rin kasi ng boses niya. Ako piano lang, sablay pa. *sighs*

"Hey! Anong pangalan mo?" nilapitan niya ko pagtapos nung event.

"Jasmine.. Jasmine Fuentes."

"Bagay sayo yung pangalan mo. Alam mo yung flower na Jasmine? Ang ganda kasi nun, parang ikaw."

"Hindi. Di ako mahilig sa bulaklak. Pero alam ko, mukha kang sunflower."

O bat siya nagtaka?

"Hahaha!" tawa siya. "First time kong masabihan ng mukha akong sunflower."

"Totoo naman kasi!" pilit ko. Lalo siyang nagmukhang sunflower nung tumawa siya.

"Patingin ako ng bag mo." sabi niya. Ibinigay ko naman. May nilagay siyang kung ano.

"Anong nilagay mo?"

"Basta! Pag-uwi mo buksan. Gift ko yan sayo. Bye Jasmine!" paalam niya.

Pag-uwi ko binuksan ko kaagad yung bag...

andun yung prize money.

Bakit? Ni hindi ko man lang natanong ang pangalan niya.

*End of flashback*

"May utang pa pala ako sayo, nakakahiya!" sabi ko sa kanya.

"Wag mo na isipin yun. Di naman pera habol ko nun e, gusto ko lang marinig ng mga tao ang pagkanta ko. Saka mukha kang problemado nun."

"Ah ganun ba.. may psychic powers ka ba? Lagi mo kasing nababasa isip ko eh."

"Hahaha wala.  Masyado kasing halata sa mukha mo."

"So yun yung dahilan?"

"What?"

"... kaya mo ako nagustuhan? I mean yung mga nangyari noon? Ang sungit-sungit ko kaya sayo nun!"

"Nilapitan kaya kita kasi unang kita ko pa lang sayo nagandahan na ko sayo. Remember? I told you that you resembles a Jasmine flower."

"Tama na sa pambobola Mr. Sunflower! Grabe di talaga kita natandaan, pano ba naman kasi ang payatot mo pa nun!"

"Yan ka na naman sa sunflower mo eh!"

"Hahahaha! Mukha ka kasing sunflower pramis."

Ginulo-gulo niya yung buhok ko habang ako naman tinatapik yung kamay niya. Tuloy pa din kami sa tawanan at asaran sa corridor...

Nang napadaan si Jen at Zac.

Sinamaan ako ng tingin ni Jen. Why? Dahil ba kasama ko si Harvey? Eh may Zac na siya.

"I guess you're getting along too well." sabi ni Zac. Di ko gusto yung tono ng pananalita niya ah!

"Yes we are. Congrats nga pala sa inyo ni Jen." sabi naman ni Harvey. "So we're cool now?"

"Yeah... but I guess we can't go back as the same as we were before."

"I know I know." tinapik niya yung balikat ni Zac.

"Zac, tara na." hinawakan ni Jen yung kamay ni Zac at hinila siya paalis.

Nang nakalayo na sila tinanong ako ni Harvey...

"Okay ka lang ba?"

"Of course...

hindi ako okay. Kelan ba naging okay ang makita mong may kasamang iba ang taong gusto mo? Yung gusto mo siya pero wala kang magawa. Ayaw mong masaktan pero pag mas lalo mong pinipilit iwasan parang mas lalong lumalalim. Di ako okay Harvey."

Walang tulo ng luha mula sa mata ko o kung ano man. Sayang lang kasi. Saka hindi madadaan sa luha lahat ng nararamdaman ko.

"Kung ako na lang sana, di kita sasaktan Jasmine."

"Sorry Harvey. I hope you understand, I can't go out with you while having these feelings."

I'm really vulnerable right now and I don't want to make mistakes again. Parang kelan lang nung tinitingnan ko lang si Zac mula sa bintana, nung kelan wala pa tong feelings na to.

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon