Chapter 18

617 12 2
                                    

A/N: Dedicated to @enidualk na laging naghihintay ng updates. Hehe salamat!

If anyone wants dedication for a certain chapter, just msg me ;)

--------------

Shemay na yan. Di ako nakatulog kagabi. Puyat na puyat ako, insomnia maybe?

Sabi nila pag di ka daw makatulog, may nag-iisip daw sayo. Mga fans, wag nyo naman akong isipin masyado! *yawns*

"Puyat ka?" O//O gulat ko naman kay Harvey! Andito na naman siya, inaantay ako. 

"Oo eh." *yawns*

"Iniisip ka si kita." 

O________O

"Bat ganyan reaksyon mo? Joke lang yun ano ba." Kakaiba talaga tong mag-joke si Harvey.

Pumasok na kami sa loob ng bus na kakarating lang ^^

"Hey, he's Harvey right?"

"Yup, yung magde-debut as solo artist."

"Wow, infairness ang gwapo niya~"

Rinig na rinig ko yung bulungan nung mga highschool students na nakatingin samin sa di kalayuan =.=' Tiningnan ko si Harvey, pero parang wala naman ata siyang naririnig.

"Harvey.."

"Yup?"

"Ayos lang ba sayo mag-bus? I mean malapit ka na maging artista no."

"Ah! Actually, last time na to kaya kita sinundo hehe *peace sign*"

"Oh."

"Tara baba na tayo."

"Malayo pa to sa school Harvey." sabi ko sa kanya pero parang wala siyang narinig at hinila niya ko pababa. Halaaaaa late na kami =.= 

"Uy, san tayo pupunta?" 

"Edi san pa, ie-enjoy natin ang last moments ng freedom ko." nakangiti niyang sabi sakin. I know that feeling bro. Na-shock pa nga ako nung una kong maranasan habul-habulin ng fans, paparazzi, tas kahit san magpunta may nakakakilala. *sighs*

Una kaming nagpunta sa game center. Nag-laro ng tekken, racing, basketball, guitar hero, dance dance revo, technika at kung ano ano pa. Kailangan palang magbaon ng energy, di ako na-inform.

"Gusto mo nito?" turo nya sakin dun sa machine na may mga panda plushies.

"Oo! Oo!" Di ko na inisip kung na I sounded like a kid because I really really want that cute panda plushie!

Naglagay kagad si Harvey ng token at sinimulan kuhanin yung plushie but he failed in the first try. Hindi pa rin niya nakuha second time, third, fourth, fifth. Teka, baka may daya tong machine!

"Ok lang Harvey, baka maubos pera mo sa kakabili ng token." sabi ko sa kanya pero ayaw magpapilit, kukuhanin at kukuhanin pa rin daw niya yun para sakin. How sweet of my bestfriend!

"YES!" nakuha niya na rin sa wakas sa pang-9th time na pag-try. Binigay niya sakin yung panda na plushie.

"Waa ang cute!" sabi ko habang yakap-yakap to.

Pagkatapos namin sa game center ay nagmeryenda kami sa Mcdo. Yun daw kasi yung paborito niyang fast food chain, di na daw ulit siya makakakain dito. Siguro kung gusto niya ng mcdo, through delivery na lang. Tas magpunta kami ng park, at umupo dun ng saglit bago bumalik ng school.

"Waaa nakakapagod pero enjoy!" sabi ni Harvey habang naguunat-unat.

"Hehe I know right. Salamat pala dito sa panda pati sa libreng lunch."

"No need to thank me. Ako nga dapat magpasalamat sayo kasi sinamahan mo ko."

"Ikaw pa! Syempre bestfriend kita eh!"

"Hanggang bestfriend na lang ba?" bulong ni Harvey.

Bumalik din kami ng school after nung lunch time. Bale half-day lang ang absent namin. Natawa siya nung umakyat kami ng bakod sa likod ng canteen para makapasok. First time daw niyang gawin yun XD

Kung ano-ano na naman tinanong sakin ni Jen. Sinumpa nya pa yung panda ko huhuhu pero joke lang daw niya yun. Sabi niya imposible naman daw na makasabay niya sa pagpasok si Harvey dahil opposite way yung mga bahay nila. Di bale, opposite attracts naman daw eh ^^ Lakas talaga netong si Jen.

1 message received

"Don't forget your photoshoot later. See you at the studio." -- Manager Cha

This time may dala na kong pang-palit. Syempre handa naman ako pag naka-schedule. Mahirap na, ilang beses na akong naging Jasmine Fuentes ng naka-uniform. Pumunta ako sa locker ko para kunin ito. May letter na naman...

"Bat ka nagcu-cutting ha? Ang tamad tamad mo! Saka di ba sabi ko sayo bumalik ka sa dati mong upuan?! - Zac"

Ano na namang problema neto? Pakelam niya ba? Wala ba siyang magawang matino sa buhay niya! Tsss...

Pumunta na ko agad sa studio. Pakiramdam ko may sumusunod sa likod ko. Kung gano ko kabagal maglakad ganun din siya, parehas na parehas kasi ang tunog ng footsteps namin. Hala baka kidnapin ako neto at ibenta mga organs organs ko! Pero imposible naman dahil ang daming guards dito no!

Halaaaaaaa.

Dali-dali akong pumasok ng elevator at pinindot agad yung pang-13th floor haha joke walang 13th floor no, 14 pala -.-

"Sandali lang!" may pumigil sa pagsasara nung elevator. Na-istatwa naman ako sa kinatatayuan ko.

"Zac?" Ano ba naman yan, nilalayuan ko na nga siya eh. "Ikaw ba yung sumusunod sa paglalakad ko na parang stalker kanina? Gross!"

"FYI, Ikaw ang nagsabing wag akong lumapit ng 4 meters no! Baka kidnapin ako ng mga kalahi mo! Baka gusto mong ipa-customize tong elevator ng 4X4 meters?"

"Shut up." Pahiya konti -.- Bat siya na naman kasama ko dito sa elevator? Wag nyong sabihing magba-blackout na naman ha! Waaaaaaag na wag.

Tumingin siya sakin ng sandali tas ngumiti then tumawa ng mahina. Ay baliw. Feeling ko inaasar lang ako neto e.

Hanggang sa nakababa kami ng elevator nakangiti pa rin siyang parang ewan. Di naman nagsasalita. Tuloy pa rin kami sa paglakad.

"suki (I like you)"  Ramdam kong lumiko na siya kung san man siya papunta. Kala ko susundan niya ko hanggang sa studio eh shizz.

Tama ba yung pagkakarinig ko o imagination ko lang? Hindi Jasmine, imagination mo lang siguro yan.

Di rin nagtagal yung photoshoot pero medyo napagod ako. Nagpunta ako ng vending machine para kumuha ng juice. Pahinga muna bago uwi medyo maaga pa naman. Dumeretso ako ng garden at umupo dun. 

Parang naging favorite place ko na kasi to. Presko, madaming halaman at bulaklak, peaceful at kitang-kita ang moon and stars. Ang ganda ng gabi. Ayoko munang mag-isip ng kahit ano.

"Pwede mo bang bawasan yung 4 meters?" Bigla-bigla naman tong sumusulpot si Zac. Bawasan daw?

Medyo nababawasan na nga yung pagkagusto ko sa kanya tas babawasan niya yung barrier. No way!

"Pwede bang 3 meters na lang?" naglalakad na siya papalapit. Ako naman napalunok nung sinabi niya yun. Di ako makasagot, di niya ko binigyan ng chance mag-react -.- Nagtanong pa siya, ang engot neto.

"2 meters?"

"1 meter?" hala medyo malapit na siya. waaaaaaaag.

"0 meter?" papalapit na siya lalo.

"Anong 0 meter pinagsasasabi mo jan?" nakapagsalita na ko bago pa siya makalapit. Seryoso ba to?

"Yung pinakamalapit sa puso mo."

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon