Chapter 10

678 12 0
                                    

Dumeretso ako ng company after school.

Yeah, walang palit palit ng uniform. Naintindihan ko naman, gusto kaming makausap ni Manager at malamang ni Director dahil dun sa news.

"Wait!" 

Pinigilan ni Zac magsarado yung elevator.

O.O ... O////O

"They are going to kill us." sabi ko sa kanya habang takip takip yung mukha ko. Alam ko kasi kung pano magalit si Manager!

Kung alam ko lang yung balak netong si Zac, hindi na sana akong papayag makipag-date. Tanga kasi e.

"Take it easy, honey."

"Honey honey ka diyan! Pano mo nagagawang mag-relaks? Baka nakakalimutan mo yung ginawa mo sa aki---"

*BARGGGGGGGHHHHHHHH*

Tumigil yung elavator tas namatay yung ilaw. Blackout ata. Pag minamalas ka nga naman!

Napaka-cliché naman ng moment na to, napapanood ko na to sa mga drama eh >< Mangyayari din pala sakin to, wag lang hanggang umaga please.

"Jasmine.."

"Ha?"

"Asan ka? Uy, ang dilim kaya!" Nakalimutan ko, duwag nga pala tong si Zac. Kala mo kung sinong mayabang lagi, e ang matatakutin naman.

"Bahala ka jan." Wuhahahaha lumayo ako sa pwesto ko. Bahala kang hanapin ako!

"Jasmine kasi!!"

"Ang duwag mo talaga!"

Nakapa niya kung nasan ako. Bigla nya kong hinila at niyakap. "Dito ka lang."

"Bitiwan mo nga ako!"

Pero mas lalo niya akong niyakap. Ganito ba siya pag sobrang takot?

Wala na kong masabi. Yung yakap nya kasi! Ang malisyosa ko talaga.

Mas lalo kong na-realize na gusto ko si Zac, di ko alam kung anong part niya ang nagustuhan ko. Meron bang makakapagsabi? Makakapagpaliwanag ng feelings na to? Wala ata. Basta alam ko gusto ko siya. Please, kahit itigil nyo lang yung oras ng sandali, pwede bang isipin na gusto nya din ako? Imposible.

*click*

Bumukas na yung ilaw. Binitawan agad ni Zac yung pagkakayakap niya sakin. Ang init pa rin ng pisngi ko. Ang init pa din ng katawan ko at ramdam ko pa rin yung init ni Zac.

"Oy wag kang ilusyonada diyan! My hug is worth a million dollars, be thankful *bleh*" Yun yung sabi niya bago kami lumabas ng elevator. Ang yabang talaga kahit kelan!!!

"In your face!"

Pagpasok namin ng office, nakita ko yung nagliliyab na mata ni Manager Cha at saka nung Manager ni Zac.

Nakatanggap kami ng tig-isang batok =.= Arouch.

"You! And you! Gosh, what can I say? Such troublesome kids."

"Every action and mistakes you do, kami ang naglilinis! Di nyo ba naiisip yun?"

"Isn't it good? That the cover of the magazine is a true couple? Sales~ Sales~" paliwanag ni Zac.

"I think he's right. We can deal with the press. They already know they are dating, what more?" Sabi ni tanda na mukhang pera. Mabuhay ang mga Kapitalista! Mabuhay!

Nag thumbs-up sign si Zac kay Director.

Nilapitan ako ni Manager Cha. "Jasmine, I'm doing this to protect you not just as your Manager. Ako na rin yung tumayong ina sa iyo simula nung nawalan ka ng mga magulang. You're a girl in your teens, and a celebrity and I hope hindi to makakasira sayo."

"Sorry." Totoo, si Manager na nga yung tumayong nanay ko. I've decided, ititigil ko na ang pagtulong kay Zac sa mga plano niya. Ayokong idisappoint si Manager at mawalang bahala yung mga naitulong niya samin.

"Jasmine, let's talk." Dinala na naman ako ni Zac sa may fire exit.

"Narinig ko yung sinabi ni Manager sayo, alam kong iniisip mo na itigil na lang yung pagpapanggap natin." 

Aba may powers palang magbasa ng nasa isip tong si Zac. 

"Pero, please, I really need your cooperation."

"Ilang beses ko bang sasabihin na ayaw ko, hindi ka naman nakikinig sakin. You're only doing what pleases you! Di mo man lang naiintindihan yung feelings ng ibang tao!" Masakit kasi yung magpapanggap kang girlfriend ng taong gusto mo para dun sa ex-girlfriend niyang halatang mahal niya pa din.

Ginamit kong pang-sampal sa mukha niya yung bag ko. Kaso nakailag siya at natapon lahat ng nasa loob.

"Bakit ba ang bayolete mo lagi!"

Pinulot ko lahat ng nahulog kong gamit at ipinasok sa bag. Nagmadali akong lumabas at nagtatatakbo palayo sa kanya.

- Zac's POV -

"Jasmine, yung notebo..ook... mo..." bago ko pa mabigay sa kanya ay nakatakbo na siya papaalis.

"Wait.. *realizes* bat nga pala siya nakapang-Bale University na uniform? Kala ko ba sabi nung isang Jasmine na pangit eh nag-drop na daw siya? Ang labo."

Hmmmm.. binukalat ko yung notebook niya at nagulat ako sa nakita ko.

"Teka, ako ba tong naka-drawing?"

'Zac, ang yabang mo!' 'Sungit!' 'The one I hate the most.' 'Napaka-epal mong alien' 'YOU! WHY DID YOU DO THAT? I HATE YOU! I HATE YOU!' 'すき!' 

"Grabe naman tong si Jasmine, di halatang galit na galit sakin e! May naka-intsik pa, minumura siguro ako neto!"

Pagsara ko nung notebook...

"Jasmine Sta. Maria

Foreign Studies - Class B"

HAAAAAAA?!

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon