Chapter 29 -Fin-

573 12 0
                                        

"Jen, may balita ka ba kay Jasmine? Ang tagal ko na siyang hindi nakikita e." tanong ni Harvey.

 

"Uhhmm... more than 1 week na siyang hindi pumapasok..."

 

 

"Ano na kayang nangyari sa kanya? I'm worried."

 

 

"Ahh! Come with me."

Hinila-hila ni Jen si Harvey.

"Brett.. alam mo ba kung nasaan si Jasmine?" tanong ni Jen kay Brett.

"So you're saying na hindi nyo alam?" pagtatakang tanong nito sa dalawa.

"Anong hindi namin alam?"

"Umm... kung di sinabi sa inyo ni Jasmine.. di ko alam kung nasa posisyon ako para sabihin sa inyo." 

- Jasmine's POV -

Mamayang 3pm pa yung flight namin, pero nandito na kami sa airport ng kapatid ko kanina pang 2pm, 20 minutes na lang magbo-board na kami.

"Ate... wala ka na bang naiwan?" tanong sakin ng kapatid ko.

Naiwan? Sumikip yung dibdib ko. Parang may naiwan ako. Hindi, ayoko, ayokong iwan ang puso ko dito. Time and distance will heal everything, I know.

 "No, wala akong naiwan."

 

"Passengers boarding to New York at exactly 3pm, please proceed to the departure area."

 

"Tara na."

  

Hindi naman sa nag-eexpect ako ng kung ano man, pero inikot ko ang mata ko sa buong airport bago kami tumuloy sa paglalakad. Imposible namang nandito siya, ano bang iniisip ko.

*sighs*

"JASMINE!"

  

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon