Chapter 11

663 13 0
                                    

Thursday morning 

d(-.-)b 

♪ At kahit mahal kita, 

Wala ako magagawa

Tanggap ko 'to aking sinta, pangrap lang kita..  ♫

Sa may pinaka-likod na ulit ako nakaupo. Wala si Harvey, late na din kasi ako pumasok. Dun na lang ako sa may bakod sa likod ng canteen papasok, namimiss ko na din kasi umakyat dun hihihi.

Dumeretso ako ng classroom. Ayos, wala pang prof.

"Uy si Zac!"

"Anong ginagawa niya dito sa building natin?"

"Ang gwapo nya talaga!"

"Kyaaaaaaaa~"

Papampam talaga to si Zac. Ano naman kayang ginagawa niya dito? Hmph, I don't care.

Hinanap ko yung japanese notebook ko kasi magre-review na lang ako para sa graded recitation namin mamaya. Ayoko naman mag-aksaya ng oras di tulad nung mga fangirls ni Zac -.-

Ehhhhhhhhhhh? Nasan na? Nandito lang yun kahapon eh!

"Eto ba hinahanap mo Ms. Jasmine Fue--- Sta. Maria?" sabi ni Zac habang hawak-hawak niya yung notebook ko.

"Shocks Zac, bat nasayo yang notebook ni Jasmine baka may sumpa yan!" Eh kung ikaw kaya isumpa ko diyan.

Bat nga ba nasa kanya yung notebook ko?

*loading*

OMG. yung kahapon! >.> ...... HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH?! Ano daw? Jasmine Fue--- sasabihin niya Jasmine Fuentes? Alam niya na? T^T Nabuko na ba ko? Noooooo!

Naka-smirk pa din siya habang nakatingin sakin. Asar yung peys!

Tanga-tanga ko talaga, sa lahat ba naman ng maiiwan +.+

Dali dali akong lumapit sa kanya at kinuha yung notebook ko. Ngumiti ako at sinabing, "Nahulog ko ata kanina sa gate, salamat sa pagsoli ha." 

"Anong kanina sinasabi mo jan?"

"Kagabi mo yan nahulog, nung magkasama tayo! Engot ka ba?"

Talas talaga ng dila neto kahit kelan eh noh, di na lang nakisakay.

"Narinig nyo ba yun sis, magkasama daw sila kagabi!"

"Ewwww. Siguro ini-stalk niya si Zac!"

Ayan na nga ba sinasabi ko, tsimisan na naman tong mga froglet na to. Bulungan pa sila, eh rinig na rinig naman.

Lumapit sakin si Zac, at bumulong "Meet me at the rooftop mamayang lunch... Ms. Jasmine Fuentes."

Ilang minuto pagkaalis ni Zac, nakita kong pumasok si Jen sa classroom *sighs* buti na lang wala siya dito kanina kundi... waaaa >< Ang depressed pa rin ng itsura niya. 

"Jasmine, help me please." hinawakan ni Jen yung kamay ko. Nakatingin siya sakin ng seryoso. "Diba bestfriend ka ni Harvey? Tulungan mo naman ako sa kanya oh please." 

Nakakaawa yung itsura nya. Gusto nya ata talaga si Harvey. 

"Sorry, I can't" Ang hirap naman kasi nung tutulungan ko siya, eh ako nga hindi ko maayos yung problema ko kay Zac.

"WHY?!"

"I just can't. In the first place, it's not my business to meddle with you and Harvey."

// i'm not beautifulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon