A Filipina nurse who is a super fangirl of Mario Maurer traveled to Thailand for the first time to meet her Thai celebrity crush, when she met a Thai stranger guy.
Who is he?
How will he change her life?
Inunat ni Ev ang sarili. Himbing na himbing siya sa kanyang tulog dahil narin sa pagod. Inabot niya ang kanyang cellphone upang tingnan ang oras at ng masilayan nito ang oras ay bigla siyang napabangon. "Freak! 9:30 AM na! I'm late!" Panunumbat niya sa sarili.
Dali-dali niyang kinonekta ang cellphone sa hotel wifi at tinawagan ang mga kaibigan sa messenger. Ilang rings pa bago may sumagot sa kanila at ito ay si Trixy.
"Yes Madame Ev?" Ang umagang bungad nito sa kanya.
"Wake up! We're late sa schedule natin," sigaw niya sa kabilang linya. Ang usapan nila dapat ay 7:30 AM nasa lobby na sila ng hotel upang makapag hanap ng breakfast. Plano nila that by 8 AM ay nagba-byahe na sila papuntang Grand Palace bilang unang destinasyon nila.
"Excuse me, YOU are late Madame at hindi kami," nakisagot narin si Sheldon.
"Wait, you're together? Ba't di niyo naman ako kinatok at ginising?" Pagmamaktol niya sa mga kaibigan habang nag-aayos.
"Kinatok ka namin and tried to wake you up pero ang himbing ng tulog mo kung kaya't nauna na kami," sagot ni Trixy, "anyway, we will give you the directions. Nasa isang McDo ng Central World kami. 3 stations lang from here through BTS."
"Oh sya, I'll be there soon. Don't go anywhere kundi lagot kayong tatlo sa akin," sagot niya na lang sabay buntong hininga. She was quite disappointed na iniwan siya ng mga kaibigan. But she also admitted na kasalanan niya rin naman na nakalimutan niyang i'set ang alarm ng phone niya.
She got ready. She chose to wear comfortable tattered jeans and a plain black shirt with a cap at white sneakers upang mas madaling maglakad. She brought with her a camera na ginagamit niya for her photography hobby.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Nagbukas ang elevator at nakita niya ulit ang lalaki na nakasabay nila kagabi. This time, nakasuot na ito ng mask at cap without his eyeglasses. Tahimik lang si Ev sa isang sulok kasi naalala niya parin ang kahihiyan kagabi. "Shemay talaga, bakit kailangang magkasabay pa kaming bumaba, and to make it worst ay kaming dalawa lang sa loob ng elevator." The awkward silence is obviously attacking her. "But he smells good ha. Hmm."
Ang ilang minuto ay feeling niya isang oras na sa awkwardness na naramdaman niya sa loob ng elevator. Bigla namang uminit ang pakiramdam niya buti na lang at bumukas na ang elevator indicating that they have arrived at the ground floor. Nauna na siyang lumabas at hindi na nilingon ang estranghero.
Napansin niyang crowded na ang lobby. Marami ng mga turistang nakatambay, either checking in or checking out, pero mas marami atang taong nag-aabang sa labas.
Nagkibit balikat na lang siya at piniling umexit sa hindi mataong labasan. Habang naglalakad siya ay may biglang umakbay sa kanya. Sa gulat niya ay hindi siya nakapag-react agad ng ilang segundo. "That smell!" Naalala niya ang amoy na nanatili sa ilong niya habang nasa loob ng elevator. This time ay nilingon niya na ang taong umakbay sa kanya at ang hinala niya ay tama nga, it was the stranger in the elevator!