Napanganga si Ev nang makarating na sila sa hotel na paglalagian nila ng ilang araw. Nilingon niya si Natheerin, "Ah, Nat, why here?"
"Hmm?" Tiningnan naman siya ni Natheerin, "why not? This hotel is one of the best hotels in Bangkok, and don't worry the owner of this hotel is a family friend so you'll be safe here," at kinindatan si Ev. "Oo nga pala, di alam nito ang storya ng hotel na 'to. Jeezzzz."
Pigil naman ang tawa ng tatlo dahil ang hotel lang naman sa kung saan sila dinala ni Natheerin ay ang mismong hotel kung saan unang nagtagpo sina Ev at Bank 5 years ago.
Kahit nag-aalangan man ay walang magawa si Ev kung kaya't sumunod na lang siya. "Tatlong araw lang naman Ev, tatlong araw lang." Pangungumbinse niya sa sarili.
Hindi pa nga sila nakakapasok ng hotel ay may nag-aabang ng mga staffs ng hotel sa labas. Lumapit at bumati sa kanila ang general manager ng hotel lalo na kay Natheerin at sumunod ay kay Ev. Dinala sila ng General Manager sa 32nd floor ng hotel kung saan matatagpuan ang suite floors ng hotel.
Biglang naalala ni Ev ang hotel floor noon ni Bank kaya't bahagya siyang napangiti. Now it makes sense kung bakit afford na afford ng binata ang floor na ito dahil sa bukod na siya ay isang celebrity ay isa sa pinakamayamang pamilya rin ang kinabibilangan ni Bank.
Di naman maipinta ang mga naging reaksyon nina Trixy, Sheldon, at Grace nang makita ang room, at kahit si Ev ay lihim na napamangha sa napakagandang view from their room.
"OMG! Thank you, Ms. Natheerin! Such a dream come true!" Halos yakapin ni Sheldon ang dalaga sa tuwa.
"Hahaha, fasten your seatbelts guys 'coz there's still more. You'll see!" Natawa naman si Natheerin sa mga naging reaksyon ng mga ito. "My dad is inviting the four of you for a party tomorrow night at our house so be ready. You will be the VIP for tomorrow's party," she winked at Ev while grinning. Ev looked back at her nang may pagtataka but Natheerin just smiled at her with assurance na the secret will be hidden so there's nothing to worry about.
Pagkaraan ng ilang minuto na paglilibot ay nagpaalam na si Natheerin, "some people will come tomorrow afternoon to help you get ready. See you around, guys!" She smiled excitedly at umalis na.
"Huy! Ba't parang ang ispesyal natin? Anong meron, Ms. Fondevilla?" Lumapit si Trixy kay Ev sabay kalabit at biniro ang kaibigan.
"Huh? Ewan. Siguro bayad lang sa kabaitan natin sa kanya nung na ospital sya sa Pinas?" Palusot naman ni Ev. Kahit siya man ay nasorpresa, wala sana siyang balak makipagkita pa sa tiyuhin ngunit mukhang imposible nga itong mangyari ngayon na balik Bangkok na naman siya. "Ano ba yan, lagi ata akong tinatawag ng bansang 'to at lagi akong nakakabalik dito ng hindi ko naman ginugusto. May sikretong magnet ba ang katawan ko sa lugar na ito? Pssh."
Tumango-tango naman ang tatlo upang "sumang-ayon" sa sinasabi ng kaibigan. "Oh gosh, matalino nga pero napakalutang naman sa ibang bagay. Haay naku, itong kaibigan ko." Nasa isip ni Trixy habang tinitingnan si Ev.
YOU ARE READING
The Untold Romance
KurzgeschichtenA Filipina nurse who is a super fangirl of Mario Maurer traveled to Thailand for the first time to meet her Thai celebrity crush, when she met a Thai stranger guy. Who is he? How will he change her life?