Chapter 11.

147 3 0
                                    

"Nurse Lisse, I need you to go to the laboratory to send these samples of a patient," utos ni Nurse Sheena when she reached the station. Kagagaling lang ni Ev mag rounds sa mga pasyente nila kasama ang attending physician.

Ev looked at her head nurse with an unbelievable facial expression, "uh, Nurse Sheena pwede po bang –."

Mukhang alam na ata ng head nila ang sasabihin niya at inunahan na siya nito, "sorry, as you can see lahat ng mga kasamahan natin ay busy. This is urgent so it needs to be there asap."

She looked around at tama naman, siya pa lang ang nandoon aside from the head nurse, kung kaya't wala siyang naging choice kundi sumunod sa utos, "ah, sige po."

Kitang kita sa itsura ni Sheena ang mga salitang: "Plan A, unlocked!"

Nang makarating na si Ev sa laboratory ay biglang nag slow down ang mga paa niya sa paglalakad, "sana di ko siya makita today, please po! Promise, titigilan ko nang manood ng mga KDramas, wag ko lang makita pagmumukha ng karekareng yun." Bulong niya sa sarili.

She looked around at napanatag ang kanyang loob ng makita si Drew at ang iba pang mga MedTechs sa loob. Nag 'hi' naman siya at ganun sila. Tinawag niya si Drew, "Hi Drew! Here are the samples na pinabibigay ni Nurse Sheena, urgent daw eh," and then she handed to him the samples.

Instead of taking it ay he moved away from the glass window, at binuksan nito ang pintuan instead kung kaya't nalito si Ev sa ginawa ng binata, "sorry Nurse Lisse, I can't accept that. Halika, pasok ka."

Kahit naguguluhan ay pumasok si Ev. Sumunod naman siya kay Drew na tinatahak ang daan papunta sa isang opisina. Kumatok si Drew, "Dr. Lustre, andito po si Nurse Lisse," Drew announced.

"Let her in," sagot ng boses sa loob. When Drew opened the door ay lumitaw ang isang lalaking kanina pa pinagdarasal ni Ev na ayaw makita, "Bakit naman po di niyo pinakinggan ang dasal ko? -_-"

Drew convinced her to go inside na halos kailangan pa siyang hilahin ni Drew while mouthing the word "sorry, inosente ako."

Wala na siyang nagawa at pumasok na lang siya. When Drew closed the door ay diretsahan niya ng sinabi ang pakay niya, "here are the samples from the nurse station 8, sir or doctor or whatever."

Inangat ni Marcus ang ulo niya at tumingin ito kay Ev nang banggitin nito ang word na 'sir'. He smirked and looked at the samples she was holding, "are you really a nurse? Look at those samples; they haven't even reached the limit! I won't accept that. You may leave!" Straightforward at seryosong tugon ng binata.

"But –, " aangal pa sana si Ev pero binara siya ng doktor.

"You said that's urgent right? Then don't waste your time arguing," matigas nitong sabi sa kanya.

Umalis si Ev na nanggigil. Nagkatinginan naman yung mga ibang MedTechs and was trying to analyze what was going on, tapos nilingon nila si Drew trying to look for answers. Nagkibit balikat lang si Drew dahil ni siya ay hindi niya parin masundan ang mga pangyayari at kung bakit mainit ang dugo ng head nila kay Ev.

Ev tried to convince the patient to give a new set of samples, kahit galit na galit na ang pasyente ay hinabaan niya ang pasensya dahil sa trabaho niya nga ito. Pagkatapos ay bumalik siya sa laboratory at binigay ang panibagong samples sa head ng laboratory. 

"HERE!" Isang salita lang ang sinabi niya at umalis na. Pigil ang galit niya at kitang-kita ang plastic niyang ngiti.

♡ ♡ ♡

"AAAHHHHHHHH! THAT FREAKIN' KAREKARE! AAAAHHH!" Nasa rooftop siya at trying to let out all of her frustrations na kanina niya pa pinipigilan. Jenny was there with her dahil pareho nilang break.

The Untold RomanceWhere stories live. Discover now