Chapter 10.

161 1 0
                                    

"At first, kinakabahan akong ma-assign sa OR but after few months, ay nasanay na AHHHHHH—" biglang napasigaw si Ev dahil sa may nabangga pala siyang tao and the worst was natapon sa nabangga niya ang tirang karekare na ulam niya kanina.

Katatapos lang nilang mag lunch ng bagong kasamahang si Jenny, at papunta na sila sa lagayan ng used trays and utensils. They were both busy chatting with each other kung kaya't di nila napansin na may makakasalubong pala sila.

"WHAT THE –!" Hindi na tinuloy ng nabangga nila ang sasabihin. A part of his white coat turned yellow dahil sa sabaw ng karekare.

"Sorry, sorry, sorry," she put down her tray, took her hankie out of her pocket and she tried to wipe the person's clothing while apologizing. But instead na maging okay ay mukhang mas nagalit pa sa kanya ang lalaking nabangga niya.

He stopped her hands, "I don't need your cheap handkerchief, and please kainan 'to at hindi lugar ng chikahan kung kaya't wag kang tatanga-tanga!" And he left in a hurry na animo'y diring diri sa amoy ng karekare.

Dahil sa gulat at hindi inaasahang reaksyon ng lalaki ay hindi agad nakapag-react si Ev. When she absorbed everything ay bigla siyang namula sa galit at hiya.

"HAAAA? Hindi naman kasi kailangang mang-insulto, nag sorry na nga yung tao," reklamo niya habang naglalakad na sila upang isauli ang ginamit na tray at mga kinainan. Humingi naman siya ng paumanhin sa mga kumakain at sa janitor.

"Sorry, Nurse Lisse, kakatanong ko kasi sayo 'yan tuloy," Jenny felt guilty. Bagong graduate lang ito ng kursong nursing at this was her first job kung kaya't marami siyang tanong kay Ev as her senior nurse.

"Naku, wala kang kasalanan. Kasalanan ko na hindi ko tiningnan ang dinadaanan ko at mas kasalanan nung bruhong lalaking yun na parang di naturuan ng galang," nanggigil parin siya sa lalaki.

Isang taon na ang nakakalipas simula ng nagpasya siyang lumipat ng ibang hospital, it was her decision so she can start anew and moved forward with her life after Bank went back to Thailand. Kahit hindi man masaya ang tatlong kaibigan niya sa naging pasya niya ay sinuportahan naman nila ang desisyon nito.

Para sa kanya ay nakatulong ang bagong mga katrabaho at mga bagong challenges sa trabaho upang mas makilala niya ang sarili at kung ano talaga ang pangarap niya. She also decided to continue her higher studies and she was now about the finish the first year of her master's degree.

Nakabusangot na ang itsura ni Ev when they got back to their station at napansin naman ito ng head nurse nilang si Nurse Sheena.

"Oh, ba't parang galing ka sa talunang gyera sa itsura mo, Lisse?" Pabirong tanong ng head nurse nila. She was five years her senior pero matagal na itong nagtatrabaho sa hospital. May asawa na ito at isang anak but nagkakasundo parin sila dahil sa out-going personality nito though strikto ito pagdating sa trabaho.

Hindi sumagot si Lisse at dire-diretso lang itong umupo kaya si Jenny na ang sumagot sa tanong ng head nurse nila, "Ahh, ehh, may nangyari po kasi kanina sa canteen," pagpapaliwanag ni nito habang palipat-lipat ang tingin between Ev and Sheena.

"Ganun ba? Oh, dahil nakabusangot yang mukha mo, ikaw na magdala nitong recommendation letter doon sa laboratory," inabutan siya ng papel ni Sheena.

"Grrr, nanggigil parin ako sa lalaking yun, sarap tirisin," huling hirit ni Ev bago umalis at tumungo sa laboratory ng hospital bitbit ang papel.

"So, may lalaking involve?" Tumaas ang kilay ni Sheena at nilingon si Jenny with an interrogating look.

Jenny, as the newbie, didn't have a choice but to narrate the events earlier sa head nurse niya.

The Untold RomanceWhere stories live. Discover now