Lumapit si Marcus sa kanya habang siya ay nakahiga sa kanyang hospital bed na may pag-aalala, "hey, how are you feeling?"
"I'm cool! Ba't parang nabagsakan ka ng isang earth sa itsura mo?" Tanong ni Ev sa binata.
Nakatitig lang ito sa kanya na tila ba nagsasabing, "wag mo ng ituloy 'to." He recalled the conversation they had a week ago.
Nasa opisina ngayon ni Marcus si Ev at hinihintay ang binata. Di naman nagtagal ay dumating na ito na may bitbit na mga papel.
"Ms. Fondevilla," seryosong tugon ng doktor sa kanya, "congratulations, you and Ms. Natheerin are matched." Nakangiting balita nito sa kanya.
"Really?" Pagkukumpirma niya na may halong relieved. She smiled.
"Yes, however," ngunit biglang sumeryoso ang itsura ni Marcus, "you are allergic to anesthesia. You know what's the meaning of this, right?"
Ang kaninang nakangiting mukha ni Ev ay biglang napalitan ng seryosong itsura, "Yes."
May ilang minutong walang nagsalita sa kanilang dalawa. Alam ni Ev ang delikadong hatid ng sitwasyon niya kapag siya ay sumailalim sa isang surgery – her body might go into shock during the operation and the worst case scenario is that she may never wake up again.
Pero mas nangibabaw ang kagustuhang maisalba ang buhay ng pinsan kaya't tiningnan niya sa mga mata si Marcus at ngumiti.
"No, no, no," sambit ni Marcus habang umiiling-iling, he understood what she was trying to tell him. Tumayo ang binata at tumalikod. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Just the thought of losing Ev scares him already.
"Hey, I'll be fine okay? Ano ka ba, fighter 'to noh," she assured him.
"Why not let's just wait for another matched donor? I'll call my friends around. I'm pretty s –," hinarap niya si Ev.
"Marcus, magiging okay lang ang lahat," she kept her smile.
"But –,"
"Dr. Lustre, we need to save her very soon, right?"
"Why are you doing this up to this extent, Lisse? Your life is at stake here too! May utang ka ba sa pamilya nila?" He asked her.
She smiled at him. "Oo nga pala, di niya pa alam ang tungkol sa nagbabagang rebelasyon tungkol sa pagkatao ko." Naalala niya.
"She is not just a friend to me Marcus, but she's also my first cousin. Yes, magpinsan kaming buo ni Natheerin." She decided to reveal everything to him.
"You're what???" Bulalas ni Marcus ng pinaghalong disbelief at confusion sa mukha nito. Kaya't kinwento na lang ni Ev ang naging pag-uusap nila.
"Wow. Just unbelievable! Akala ko sa TV ko lang mapapanood ang mga ganitong storya. It makes sense why the old man kept on staring at you the first time he saw you, and also how the couple treated you when we had dinner before." Mahabang reaksyon ng binata.
"Yeah, kaya umu'o ka na lang ha?" Pangungumbinse parin ni Ev sa doktor.
Biglang naalala ni Marcus ang araw na nagtagpo ulit sila ni Natheerin - September 8. Birthday iyon ni Ev, at ni Natheerin! Magkasabay ang birthday nila, at parehong-pareho pa ang kanilang mga ugali. Napailing si Marcus sa realisasyon. "Ba't nahulog ako sa magpinsan?" Naisip niya.
"Huy! Ba't biglang natutulala ka diyan?" Tanong ni Ev.
"Ev, you and Natheerin are not just cousins! You are almost identical!" He gasped.

YOU ARE READING
The Untold Romance
KurzgeschichtenA Filipina nurse who is a super fangirl of Mario Maurer traveled to Thailand for the first time to meet her Thai celebrity crush, when she met a Thai stranger guy. Who is he? How will he change her life?