Chapter 12.

137 1 0
                                    

"Ladies and gentlemen, welcome to Suvarnabhumi International Airport!"

Bati ng flight attendant sa mga passengers.

Halo-halo ang nadarama niya habang nasa himpapawid kanina – excited sa mga matutunan, at kaba dahil sa mga memoryang naiwan niya sa Thailand 2.5 years ago.

The hospital booked her flight in a business class. At first, she forgot to ask them about the country and it was already too late when they told her that she would be going to Thailand.

"Bakit hindi Japan o US o South Korea? Bakit Thailaaannndddd?" reklamo niya sa tatlong kaibigan when they had her farewell party.

"Akala ko ba naka moveon ka na from him?" Tanong ni Trixy sa kanya.

"Ha? Ah eh oo naman, dalawang taon na yun, wa epek na yun," sagot niya but she knew that there are still things undone between her and Bank.

"Besh, ang laki ng Thailand. Tsaka alam mo malaking himala na lang talaga kung magkikita kayo ulit ni Bank at may asawa na yung tao ano," paliwanag ni Sheldon.

"Yeah, right," bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari sa kanila ni Bank during that last night. She never heard of him after that. She also never dared search about him and Natheerin and their wedding dahil ayaw niya ng masaktan.

"WHAAATTTTT?!" Biglang sigaw ni Sheldon. Napalingon naman ang tatlong babae sa kanya.

Dali-daling pinakita ni Sheldon ang picture – it was when she tried to punch Marcus on his face pero di niya tinuloy dahil hindi ito umilag instead nakatitig lang sa kanya.

"The real life #ToRyDuo. Hango sa storya nila ang Him and Her story," binasa ng malakas ni Grace ang caption.

Sheldon, Grace, and Trixy fixed their eyes on Ev asking for explanations. Kung kaya't kinuwento niya ang mga nangyari.

"O-M-G! So ikaw si Endrea?" Napasigaw si Sheldon.

"SSHHHH!" Halos takpan ng mga babae ang bunganga ni Sheldon dahil sa lakas ng reaksyon nito.

"Apparently, hinango parin ng kung sino mang baliw na nag upload ng story namin ang pangalan ng characters sa initials namin ni Marcus," she said. The guy in the story was named Marion.

"What the! Bakit ala KDrama ang love life mo ngayon gurl? Ikaw na ang nanalo! At ang gwapo naman pala nitong si Marion in real life eh, my gesh!" Kilig na komento ni Grace.

"Haay, grabe kayo! Ako yung kaibigan niyong naagrabyado pero ba't parang okay lang sa inyo lahat?" May pagtatampo niyang sabi sa mga kaibigan.

"Eh, gwapo naman kasi, so okay lang," Grace told her sabay pa-cute nito kay Ev.

"Buti na lang at mapapalayo na ako sa karekareng yun," she said.

"Bakit naman? Di rin ba siya single?" Sheldon asked.

"Hindi ko alam, malay ko. Di naman kami close. Ang tanging nagawang kabutihan lang nun sa'kin ay dinala ako sa ER."

"Ay oo, nabasa ko yan! Pagkatapos ka niyang awayin ay nawalan ka ng malay dahil sa overfatigue, migraine, at high fever kung kaya't he carried you to the ER. OMG! Sobrang kilig ko kaya sa part na yan," hindi talaga matigil-tigil ang kilig expressions ni Grace.

"Dang girl, sumasabog ang comment section ng picture nyo at ang raming likes at shares niya," binasa nila ang mga comments. Mostly ay papuri at kilig ang mga sinasabi ng karamihan pero di mo rin maiiwasan ang walang kwentang komento na kesyo simpleng babae lang si Endrea at hindi siya maganda.

The Untold RomanceWhere stories live. Discover now