Welcome to Don Mueang International Airport!
Pagkakita pa lang ni Ev sa welcome sign ng airport ay nagsimula ng maexcite ang katawang lupa niya. First time niyang makapag bakasyon abroad at pinag-ipunan niya talaga ito kasama ng mga kaibigan niya sa trabaho.
"My gosh! This is it, guys! Welcome to Thailand! Wait for me Mario Maurer!" Halatang kilig na kilig siya sa mga pinagsasabi niya.
"Gaga! Ang Thailand o si Mario Maurer talaga ang pinunta mo dito?" Pang-aasar ni Trixy sa kanya.
"Syempre both! Hay naku, ha-huntingin ko talaga si Mario! Di pwedeng di kami magtagpo."
Apat silang magkakaibigan na nagtatrabaho bilang mga nurses sa iisang ospital. Bukod sa magkatrabaho ay magkaklase din sila nuong nasa kolehiyo pa lang sila.
Sumikat ang 'Crazy Little Thing Called Love' nuong college days nila, na isang Thai movie at bida sina Baifern at Mario Maurer. At simula nuon ay fan na fan na siya ng dalawa at forever celebrity crush niya si Mario Maurer. Kung kaya't dream come true talaga ang makapagbyahe siya sa Thailand.
"Hi guys! So kararating lang namin ng Thailand. Check it out, ang ganda ng airport nila. Tingnan niyo yung mga sulat na sa mga mata ko ay puro letrang "U". Pareho lang ang temperatura nila dito at sa Pinas," nagsimula ng mag vlog ang nag-iisa nilang half-lalaki half-bet ang mga lalaki na kaibigan na si Sheldon, "say hi guys!" At tinutok niya ang camera sa bawat isa upang makapag hi, ngumiti naman sina Grace at Ev at nag wave si Trixy.
"Tingnan mo, ang daming gwapo! Sana makabingwit ako kahit isa ano," bulong ni Grace kay Ev after nilang makawala sa vlog ni Sheldon.
Siniko niya si Grace, pero she secretly agreed on sa sinabi nito. Single siya at readyng-ready to mingle! "Hello, Bangkok!" bulong niya sa sarili.
Nakasakay na sila sa isang grab taxi patungo sa kanilang hotel. Kahit abot langit ang energy nila ay nakaramdam na rin sila ng pagod dahil madaling araw na ng makalabas sila ng airport sa dami ng turistang naka linya sa immigration sa loob ng airport.
Paakyat na sila sa hotel rooms nila gamit ang elevator at ang kaninang excited na mga mukha ay napalitan na ng antok at pagod. Gusto ng pumikit ng mga mata ni Trixy at mahiga sa kaniyang kama. Nakakita sila ng hotel na affordable at maganda. Napag-desisyunan nilang kumuha ng kaniya-kanyang kwarto upang may privacy sila though Ev personally thought that it would have been a lot better kung magkakasama sila sa iisang room upang mas masaya. But she respected their choices kaya pumili narin siya ng sarili niyang room.
Thailand is one of the most popular countries in Southeast Asia when it comes to tourism. The average tourist arrival entry each year goes up to 30 million. The culture and the natural environment of Thailand attract so many visitors from around the world. It wasn't surprising na ang daming mga foreign visitors sa bansa.
"Kelan nga yung fan meeting ng idol mong si Mario Maurer, Ev?" Tanong ni Grace kay Ev habang inaayos ang sarili mula sa salamin sa loob ng elevator.
Hindi naman nakasagot agad si Ev dahil busy ito kaka-kulikot ng cellphone niya.
"Huy, Ev!" Pukaw ni Sheldon sa kanya, "tinatanong ka ni Grace kelan daw ang fan meeting ni Mario Maurer."
"Ha? Sorry!" She replied. Natubuan naman siya ng hiya dahil hindi lang pala sila ang tao sa loob ng elevator. The worst part ay nasa likod niya pala ang isang estranghero kaya kitang-kita na busy siyang tinititigan ang mga pictures ni Mario Maurer. Naka cap ito at naka-salamin kaya hindi halos kita ang itsura. Buti nilang nag-tatagalog sila.
"Sa Wednesday ang fan meeting. Ang location ay sa Siam Paragon, 2nd Floor," sagot ni Ev. Hindi niya na lang tiningnan ang estranghero dahil nahihiya siya. She was pretty sure he saw the pictures of Mario Maurer and recognized na si Mario Maurer iyon. Hindi man siya eksperto sa mundo ng Thai entertainment industry at si Mario lang ang kilala niyang Thai actor, alam niya na sikat rin talaga ito sa Thailand.
"Oh, so may dalawang araw pa tayong maglilibot sa Bangkok. Hehehe," ika ni Grace.
10th Floor. Tumunog ang isang bell na nagsasabing nakarating na sila sa kanilang floor. Lumabas na sila ng elevator at ang estranghero ay nagpatuloy sa kaniyang designated floor.
"Shemay, nakakahiya! Nakita pa ata ng lalaki ang pagfa-fan girl ko kay Mario," she said sabay sapak sa noo. Pinagtawanan naman siya ng kaniyang mga kaibigan sa reaksyon niya.
"Oh yeah, you were drooling over Mario's pictures kasi," sabat naman ni Trixy.
When they found their own rooms, ay isa-isa nila itong pinasok to check them out. "Wow! Kitang-kita ang Bangkok!" Saad ni Grace.
Si Sheldon naman ay patuloy sa pagvo-vlog at sa pag capture ng kanilang mga reactions.
"Right, ang swerte natin at mura pa ha!" Ev happily commented.
After the usual checking out of each rooms ay nag settle down na sila sa kani-kanilang mga rooms upang makapag-pahinga at maihanda ang mga katawan at mag recharge ng physical batteries for tomorrow's adventures.
Nakatulog si Ev na may mga ngiti sa mga labi at puno ng excitement sa mga mangyayari bukas.
YOU ARE READING
The Untold Romance
Kısa HikayeA Filipina nurse who is a super fangirl of Mario Maurer traveled to Thailand for the first time to meet her Thai celebrity crush, when she met a Thai stranger guy. Who is he? How will he change her life?