Chapter 3.

342 3 0
                                    

Medyo marami na ang mga tao sa loob ng train. Buti na lang at may isa pang vacant seat. The stranger guy offered the seat to her at mas pinili nitong tumayo sa harap niya. Matangkad ang lalaki kung kaya't abot na abot nito ang hawakan sa loob ng train.

Umandar na ang train at siya ay busyng-busy kakadungaw sa glass window. Hawak-hawak ang kanyang camera ay sinimulan na ni Ev ang pagkuha ng mga litrato.

"You know, one of Bangkok's proud spots are the big and high-end malls here," the stranger started explaining.

Tumatango-tango naman si Ev habang nakikinig. Pinapaliwanag ng estranghero ang mga pangalan ng mga buildings na nakikita nila. "Ayos. Nakalibre pa ata ako ng tour guide ah. Mwahehehe."

"By the way, why are you wearing a mask? Aren't you feeling hot? Or wait.. maybe you're a famous actor here who is in disguise?!" She finally asked him. Kanina pa siya nacu'curious sa get up ng lalaki dahil na rin napansin niya rin ito kagabi na tila bang sinadya nitong itago ang mukha.

Natigilan naman ang lalaki at may ilang segundong hindi ito nakasagot.

"She just hit the bull's eye." Bulong ng estranghero sa sarili.

He started coughing. "Well, I wasn't feeling well since yesterday so I have to wear a mask to stop spreading the virus," and he faked another cough at nilapit nito ang mukha niya kay Ev to teased her nang biglang may bumangga sa lalaki kung kaya't na out of balance ito at napasandal kay Ev. Biglang tinukod ng lalaki ang kanyang mga kamay sa window glass upang makapag-balanse ngunit dahil din doon ay nasa halos three inches na lang ang pagitan ng mga mukha nila.

"Khaaw thoot krab," a guy apologized to him and immediately left after to go near the door kasi ay baba na pala ito sa next station.

Bigla namang umayos ng tindig ang estranghero at nag apologized kay Ev. Umayos ng upo si Ev at binalik ang mga tingin sa bintana. Bigla siyang nag blush kung kaya't iniwas niya ang mukha upang hindi ito makita ng estranghero.

"Langya ka Ev, bakit ka nag-bublush diyan? Di mo nga kilala itong lalaki ni hindi mo alam ang itsura. Paano kung malaki pala ang ilong nito? O bungal? Hahaha!" Kinakausap ni Ev ang brain cells niya. Bigla naman siyang napangiti sa naging pag-uusap nila ng sarili. "Nababaliw na ata ako."

"Hey, how about this, why not we run away?" He told her as he sat down beside her kasi tumayo na ang katabi ni Ev. Isang station na lang at nasa Central World na sila.

"What?" Bulalas ni Ev na may halong pagtataka at kaba sa sinaad ng lalaki. Runaway? Ano daw?

"I mean, let's escape from your friends. Hehe. I'll tour you around Bangkok today instead and of course for free," paliwanag ng lalaki.

"Ahhh," yun pala ibig sabihin nito. Akala ni Ev kung ano na, "What about my friends, then?" Nakataas na ang kilay ni Ev. She started to feel na mukhang tarantado ata 'tong lalaking kasama niya.

"They'll be fine. You can call them. Tell them you change your mind and will stay in the hotel," pangungumbinse pa ng lalaki, "don't worry, you can trust me. I'm extending my hospitality to a new foreign friend as a Thai citizen." Saad nito habang nilagay ang dalawang kamay sa may dibdib nito. Hindi man kita ni Ev ang itsura ng lalaki ay nahalata niyang nakangiti ito sa likod ng suot na mask. A genuine smile.

Nag-isip ng mabuti si Ev and after three seconds, she grabbed his phone at tinawagan nito ang mga kaibigan. Nagpalusot siya na masakit ang tiyan niya at gusto niyang magpahinga today upang maka recover para sa gala tomorrow at fan meeting ni Mario the day after tomorrow.

"Game!" She gave back his phone and smiled. Biglang tumaas ang adrenaline level niya and she felt all the excitement rushing from her brain patungo sa buong katawan niya.

The Untold RomanceWhere stories live. Discover now