Chapter 25.

139 0 0
                                    

"Ho-hoy!" Dali-dali ring lumabas si Ev ng sasakyan at sinundan si Bank na kailangan niya pang habulin dahil mas malalaki ang mga hakbang nito kesa sa kanya.

Hindi siya nilingon ni Bank. 

"Bank! Hey!" Kelangan niyang sumigaw upang maagaw ang atensyon nito but when she did that ay nagsitinginan ang mga tao sa kanya. "Freak! Artista nga pala 'to."

Binalikan siya ni Bank at saka pinatungan ng itim na sombrero na suot-suot nito kanina. Nakasuot na lang ito ng itim na sunglasses kaya lutang na lutang ang itsura nito at panigurado ni Ev ay makikilala si Bank ng mga tao. Inakbayan siya nito, "sshh, let's not draw too much attention."

Mula sa balikat ay nilipat ni Bank ang kanyang kamay sa kamay ni Ev, at saka hinila na ito, "let's have a date!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mula sa balikat ay nilipat ni Bank ang kanyang kamay sa kamay ni Ev, at saka hinila na ito, "let's have a date!"

Naka-holding hands na sila. Bigla siyang kinuryente dahil sa pagkakahawak ni Bank sa kamay niya. "Hanggang ngayon parin Ev?" Ganun parin ang epekto ni Bank sa kanya. Hindi niya rin maipaliwanag kung bakit nga ba napakalakas ng hatak ng presensya ng binata sa kanya kahit ilang beses na siyang nasaktan ang umiyak dahil dito. Sa tuwing magkasama sila ay biglang napapawi lahat ng mga malulungkot na nangyari sa kanila.

Wala na siyang nagawa kundi sumang-ayon na lang, late na siya sa flight niya and Ayutthaya is about 1 hour from Bangkok. She wanted to have him at least for today. She suddenly got a strong resolution to properly confess to Bank, not being drunk, before this day ends. She wanted her feelings to reach out to him this time, even if the outcome isn't favorable.

Pumasok sila sa isang restaurant na kokonti na lang ang costumers, "sawasdee khap," bati sa kanila. Bank let go of her hand upang bumati rin ito at makapag wai gesture. Samantalang siya ay yumuko na lang una upang bumati, at pangalawa ay upang maitago ang mukha. Halatang nagulat ang mga waiters and waitresses sa kainan dahil sa mga reaksyon nito. Nakipag-usap si Bank sa kanila in Thai at maya-maya ay dinala sila ng isang waitress sa isang pinaka sulok na mesa.

"Thank you," he told the waitress bago ito umalis. Inalalayan niya si Ev na maupo at pagkatapos ay pumwesto narin sa harap ng dalaga. Nahahalata niyang nagbubulong-bulongan ang mga nagtatrabaho dun dahil sa kasama niya. She got scared, ayaw niyang magawan ng tsismis si Bank at malagay ito sa alanganin dahil sa kanya.

"Hey, will you be okay?" Ev leaned a little bit forward at bumulong kay Bank.

"Yeah, I'll be fine," nakangiting sagot ni Bank.

"Ahh," may mahabang pause iyon, at "this is your treat, right?" Pabulong parin na pagkakasabi ni Ev. Dinaan niya sa biro ito kahit sa loob-loob niya ay samu't-saring emosyon na ang kanyang nararamdaman – saya, kaba, pag-aalinlangan.

"I thought it was yours?" Seryosong pagkakasabi ng binata.

"EH?!"

"Hahaha! Why so serious? Of course, it was a joke! And yes, this trip is on me." He winked at her.

The Untold RomanceWhere stories live. Discover now