Chapter 18
Wala kaming regular Class ng ilang weeks para sa preparation ng aming School Festival. Kaya magandang pagkakataon na din ito na maisingit ko sa schedule ko ang part time Job ko.
Katatapos ko lang isuot ang uniform namin dito na beige long sleve na pwedeng itupi hanggang siko at ang dark brown na apron na leather black ang strap. Naka embroid sa pinakagitna ng apron ang name ng coffee shop.
At ang pinakanagustuhan ko na kasama sa uniform namin ay ang darkbrown na beret cap.
Ang sosyal talaga ng coffee shop na ito!
Alternate day ang pasok ko, at kung nagkataon naman daw na masasagasaan ang schedule ko sa school ay pwede ko nalang daw iadjust ang time ng pasok ko sa coffee shop.
Pakiramdam ko special treatment akong part timer dito.Huhuhu napakabait ni ma'am Mauve, may-ari ng coffee shop. Huhu muntik ko na ngang mahalikan ang kamay nya sa sobrang kabaitan nya sa akin.
Gaya ng ex nyang si Bernard ay graduating na din siya kaso ngalang taga ibang University siya .
Sabi niya katuwang nya daw sa pagmamanage dito ang kambal niya.Palabas na sana ako ng dressing room nang tumunog ang cp ko.
"Hello, bakit?"
[Hi love!!] Masayang bungad nito. Ano na naman kayang trip nito?
Sinilip ko ang oras sa cellphone, may sampung minuto pa ako.
[After Bridget, may bago ka na agad?]
Boses ni Vann ang narinig ko.[Hahaha mahal ko pa buhay ko] sagot dito ni Bernard
Huh?
''Bakit ka napatawag? Bilisan mo, ngayon ang orientation ko dito''
[Excited baby? If you need anything or you have any concern or questions just don't hesitate to ask me ok?]
"Huh? Bakit ikaw? Kung meron man, edi dapat si ma'am Mauve ang kakausapin ko para direkta na"
[Baby naman eh. .] Sa tono palang naiimagine kong nakapout 'tong Bernard na 'to. Sarap minsang batukan. [So I would have a chance to talk to her, alam mo na. . . ]
Abnormal talaga, kung balak niya makipag balikan dun sa tao, wag na nya akong isali sa kalokohan nya.
[Basta love, I'm just one call away ok?]
Abnormal talaga ''tigilan mo yang mga itinatawag mo sa akin"
Tumawa lang ito ng malakas -____-#
[By the way, later this afternoon may basketball training kami so I may not be able to answer your call just in case na tatawag --..]
"DI AKO TATAWAG!"
At saka ko nag end call.
Napakakulit!Inayos ko muna ang pagkakahagod ng uniform ko bago ako kumatok sabay pihit ng door knob ng office ni ma'am Mauve
"Good morning ma'am Mau-. ."napatigil ako nang iba ang madatnan ko sa loob
"Good morning! You must be Laerie the part timer? Come on in" nakangiting bati nito "I'm Cyan" pakilala nito
Huwaaaah!"ikaw yung kambal ni ma'am Mauve?" Tinanggap ko ang paglahad ng palad nito.
Ang lambot ng kamay!Bahagyang natawa ito kaya lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin. "How did you know?"
BINABASA MO ANG
Ms.Anonymous Writer
RomanceHighest Rank achieved: #1 in funny moments category 07/2022 "Ms. Anonymous writer " that's Laerie's code name everytime na binibigyan niya ng love letter ang so-deadly-snobbish na si Argus Montemayor. PRESENTING. . . . It's a Comedy-Romance story...