Chapter 20

71 3 2
                                    

Chapter 20

(Bernard's PoV)


-School parking lot-

Alam kong nagdududa na sa akin itong pinsan ko kung bakit magkakilala sina Laerie at Cyan. Panaka-naka ay nararamdaman ko na sinasamaan niya ako ng tingin.
Akala siguro niya na nagkakamabutihan ang dalawa. Eh ang totoo nagkakataon lang talaga na sinasabay na ni Cyan itong si Laerie kapag papasok ng school or papunta sa coffee shop.

Amfufu naman kasi eh!

Why don't he confess to baby Perds nang sa gayon ay may happily ever after na sila. Hindi yung pagdidiskitahan niya yung kagwapuhan ko kapag nababadtrip sya dun kay Cyan. Halata ko naman na may gusto na siya dun kay Laerie!

Ako nalang tuloy ang  kinakabahan kapag naniningkit ang mga mata nito whenever he sees those two together.



Padabog na hinatak nito ang bag sa kotse at kinuha mula doon ang green folder at hinagis kay James.
"I need the revision of that, first thing in the morning!"

Nagkatinginan kami ni James sa green folder na sinalo niya.

Sabay naming binuklat ni James ang folder na naglalaman ng term paper namin.
I've already check it before, wala namang mali ah. Actually, ready to pass na nga ito kung sakali. Ang husay ba naman ng shinare kong ideya dito men!.


"It must be well-written, analytical, organized, and well-researched-as this reflects your knowledge of a certain course. At hindi ko nakita ang mga iyon sa papel na yan!"

"I thought we'll resume to work on this after the game Argus?" tanong ni James.


Ayun naman talaga kasi ang original plan.
"Yup couz' let's focus first on this game muna, saka matagal pa naman ang pasahan"

I shuddered when he gazed at me."And you Satillan! Gather all read published material related to the assigned topic. I'll review it tomorrow morning!"

Pusang gala naman oh!
Dapat pala hindi na ako nagsalita!


Pasimpleng binuksan ni Vann ang sariling kotse "sige guys, I'll go ahead" paupo na sana ito nang magsalita si Argus


Pinigilan kong matawa. Tatakas kapa ah!


"Arlington send me a new outline of that term paper at 9 pm sharp tonight!"


Walang nagawa si Vann kundi ang magkamot ng ulo.

Kaya lang naman sinusumpong ng topak ngayon
'tong si Argus ay dahil kakakita lang namin sa dumaang sasakyan ni Cyan sakay si Laerie palabas ng parking lot.

tapos kami naman ngayon ang pagdidiskitahan ng init ng ulo niya!


Alam ko naman na papunta lang yung dalawa sa coffee shop para magtrabaho.

Takte talaga bakit ba kami yung sumasalo ng init ng ulo niya?

Eh kamakailan lang after ng pagbabaguio nila ni Laerie ang saya saya niya, laging nasa mood!
Naririnig ko pa nga siya na nag hmm-hmm pa ng kanta na ang tanging lyrics lang na naintindihan ko ay puro I do. . I do. . I do. . .tapos biglang siyang mag mo- mood swing at kami pag-iinitan niya!


Aba! Sobra na!

Hindi na tama 'to!

Dapat na siyang pagsabihan sa ugali niyang yan!
I won't tolerate him being so unreasonable!

*blag!*

Napatingin silang tatlo sakin nang maisara ko nang malakas ang pinto ng kotse



Ms.Anonymous WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon