Chapter 30
(Laerie Hanna' PoV)
"OHMYGOSH!!!!!....So ikaw nga yung si Laerie Hanna Cristobal?????!!!!" Tili ni Sam
Tinakpan ko agad ang bibig nya "Anak ng Teteng! Baka may makarinig sa—" hinaltak nya agad ang palad ko palayo sa bibig nya "Pwe!! Ano ba Hanny lasang disgusting ang kamay mo pwe! pwe!"
At dali-dali siyang tumakbo ng kusina para mag gargle. Sus. Ang arte!Tiningnan ko ang palad ko. Madumi-dumi nga! Mukhang naihimud ko sa sahig nung time na nakasalampak ako kanina sa labas.
Hays! Tumayo na din ako para sumunod sa kanya sa kusina.
*death glare* "keep your hands clean, kababae mong tao!" Sermon niya matapos mag gargle at ako naman ay naghuhugas na ng kamay.
"Huhu, naghintay na nga ako ng matagal sa labas tapos pinapagalitan mo pa ako ngayon." *pout*
"Whose fault was it??" Mataray niyang balik sa akin habang naglalakad na siya papunta ngayon sa sala. Hindi ba pwdeng i-schedule nalang niya next time ang pagsusungit sa akin?
"Sam naman eee" *pout* sinundan ko siya at tinabihan siya sa pag upo. Nag crossed-arms sya na nakataas padin ang kilay.
Hehe alam ko na! "SAM!" Saktong paglingon nya ay nilapit ko agad ang ulo ko para i-nose kis—"anak ng... ARRRAAY!!!" Whooo! Napaka talaga!! Hinatak niya ang bangs ko! Ang sakit juiceko!!"t-teka Sam! oo na! Hindi na. . Bitaw na!"
*death glare* luh! Sya na nga nanambunot siya pa galit! Huhu bully!
"It isn't the time to fool around!!" Buong-buo na boses-lalaking utos niya.
Napa-ayos tuloy bigla ako ng upo. Huhu diba nakakatakot siya? Minsan babae minsan lalaki, hindi ko tuloy alam kung ano ang uunahin niya kapag nagagalit siya, kung sasabunutan ba ako o susuntukin nalang! huhu
Tinitigan ko siyang maigi. Huhu minsan talaga wala siyang patawad sakin.
"Who really are you?" Ito na ata yung pinakaseryosong mukha na nakita ko sa kanya.Kaya sineryoso ko din ang mukha ko. Kailangan masabayan ko siya. Ano 'yun, siya lang? "Hanna Del Ferrer!" Super seryoso yung tono ko diyan ah!
"Then, who is Laerie?" Serious padin
"Ako din." Ayan ah mas seryoso ang tono ko.
Nagkatitigan kami ng matagal na tila tinitimbang ang pagiging seryoso ng bawat sagutan namin.
Alam ko namang alam niya na alam ko kung kailan dapat magseryos—"WAAAH MAMA! TEKA!!" Napatalon ako sa sofa palayo. Huhu dinampot nya kasi ang baso sa katabi naming center table. Babasagin niya ba 'yon sa ulo ko???
"Stop playing around, I'll get you some water"
Katakot-takot na tingin ang pinukol niya sa akin.
*pout* akala ko kasi ipanghahampas niya! Bumalik ulit ako sa sofa.Pagkabalik naman ni Sam ay binaba niya sa center table ang baso na may laman ng tubig. Hays!! Mas okay sana kung cokefloat!
Pagkatapos ay seryosong humarap ulit siya sa akin.Ganitong-ganito yung mukha niya nung una ko siyang makilala dito sa Empire Building. Laging mukhang masungit pero ang totoo, mabait talaga siya kaya nga naging magbeshy kami eh diba?. At saka, ako lang ang nag iisang tao sa mundo na nakakaalam na Delilah Aphrodite talaga siya hihihi!
BINABASA MO ANG
Ms.Anonymous Writer
RomanceHighest Rank achieved: #1 in funny moments category 07/2022 "Ms. Anonymous writer " that's Laerie's code name everytime na binibigyan niya ng love letter ang so-deadly-snobbish na si Argus Montemayor. PRESENTING. . . . It's a Comedy-Romance story...