Chapter 35

64 0 0
                                    

-Cctv monitoring Room-

(Bernard' PoV)

"Ito pre, paki zoom in. . . whoah! you got it baby!"sinabayan ko pa ng pagpitik sa hangin ang paghiyaw ko ng 'whoah' habang unti-unting zinozoom ng mga taong arkilado ko ang pagcontrol ng cctv sa mukha ng isang amerikanang modelo.

Big time mga modelo ng Empires! Magaganda lahat!
Sa dami ng pinagawa sa akin ni Argus, dito lang talaga ako natuwa—"whoah! whoah! you in monitor #6, zoom in mo sa kanya!" mabilis kong tinuro ang babaeng naka royal blue na evening gown na masayang nakikipag kwentuhan sa mga kasama nito sa table.

Kinalabit ko ang tao ko na pinakamalapit sa akin "Pre parang si Kendall Jenner oh! kamukha diba?!"

Naglingunan nadin ang iba pang mga kasama ko at kanya-kanyang lapit ng ulo sa monitor #6. Hawig talaga ni Kendall!

"Parang nga, boss!" sang-ayon nila

"Tingnan nyo nga baka nandyan yung mga kapatid ni K—"

"Could you stop talking gibberish like a pervert retard, and just focus on your f*ckng job Satillan?!"

Takte! ang sakit sa tenga!

Tinanggal ko ang suot na wireless security earpiece
para kalikutin ang tenga ko! Makasigaw wagas men!

Yeah! I almost forgot that he was able to listen through this device!

Nasaan ba siya?

Ini-scan ko ang seventeen monitors na nasa harapan ko para hanapin kung saan siya banda nakapwesto.

At nagtaasan bigla ang mga balahibo ko sa batok nang mapanood si Argus mula sa ika-siyam na monitor na prenteng nakaupo habang may hawak na wine glass at direstong nakatingin sa akin!!

Amfutcha! may sixth sense ba itong pinsan ko? Phew! Parang nakikita niya talaga ako mula dito sa loob ng monitoring room.

Sinenyasan ko gamit ang kamay ang mga kasama ko na magsibalik sa kanya-kanya nilang pwesto na minomonitor na cctv. "Yeah, couz nagtatrabaho naman ng marangal. I'm just multi-tasking. " 

So far naman wala pa kaming nadedetect na kahina-hinala sa mga hotel personnel na pinababantayan sa akin ni Argus—mula sa mga hotel staff na nasa event ngayon, mga waiters & waitresses, mga guards, even those people who work at the kitchen for this event's food ay nakamonitor sa akin.
Takte! pati nga yung mga janitor na napadaan lang sa backstage kanina pinabackground check ko agad-agad.

See? nagtatrabaho ako ng maayos dito men!

Anong tingin niya sa akin, panay tingin lang sa mga magagandang—"Sh*t!!! Is that Gal Gadot—" 

"Mr. Montemayor" Biglang singit sa line ni Sam. 

Oo! kaming tatlo ngayon ang nakakapag communicate through this security earpiece. Hindi ko alam kung ano ang specific task ang  binigay sa kanya ni Argus, pero ang mahalaga sa importante. . . ay kung bakit sumusunod siya dito sa pinsan ko?

Does he really know the reason why we're doing this? 

That there are people out there who want to hurt Laerie?

Though Argus didn't drop any specific name, I know it's someone who's closest to Laerie.

Someone she wouldn't imagine could harm her. At kating-kati na akong malaman kung sino man siya!


(Flashback)

-Transcient House-

Kasalukuyan kaming nasa Patio ni Argus,  parehas kaming nakatayo at nakatanaw sa  malawak  na bakuran. 

Ms.Anonymous WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon