Chapter 29 *Confession*

111 1 0
                                    

Chapter 29. Confession

~The following days~

(Bernard' PoV)

"Couz I think you should be seated here!"
Turo ko sa bakanteng upuan na katabi ng inupuan ko.


Takte kasi! Doon pa talaga siya sa pinakaupuan ng may ari nitong private investigation firm pumwesto! Diba iba rin!?

Wala pa kasi yung may ari.  Basta nalang kaming pinapasok dito ni miss secretary sa office ng boss niya nang masilayan kung gaano kami kagwapo!


Pero malamang mas nabighani yun sa kagwapuhan ko men!


Argus just ignore me and he comfortably leaning back in swivel chair while sitting crossed legs!


Amfufu... Ano bang pumasok sa kukote nito at bigla niyang naisipang pumunta dito sa company ng newly hired nyang investigator?

Then he opens the folder that I recently gave him containing info about Laerie.

Pinaningkit ko ang mapupungay kong mga mata sa kanya.
Hmmm. .I think he wants to confirm himself about those intel from this private investigator.

Hmmm . . Baka nga. . .

 Kaya siya nagpunta dito! I nodded with that thoughts.

"Satillan!!"

"Montemayor!!" I called him back copying his tone.

*death glare*

"A-ah yes?" I gulped.

Shems! Wala ba siya sa mood biruin ngayon?

"Any updates about who's giving me sh*ts information regarding Laerie?"

Anak ng putspa! Yung pinapaasikaso nga pala niyang mga former investigator na humawak sa kaso ni baby Perds!

Nagkamot ako ng ulo "Ayon sa source ko may isang agency silang pinagkukunan ng pinapasa sayong info about Laerie, yun palang meron ako... and Im still working on it" huhu paano ko maasikaso yun eh hindi na nga ako magkandaugaga sa pag aasikaso din ng Venture Airlines.


Sige nga? Kahit gwapo ako, isa lang naman ang macho kong katawan! Mahahati ko ba yun para pagsabay-sabayin ang lahat ng pinag-uutos niya?

Ilang araw na ngang puyat ang gwapo kong mukha para lang paghandaan ang first meeting with Hanna Del Ferrer a couple days ago!
Ako kaya ang nagprepare ng mga proposals at mga papers after nya mabili ang 50 percent shares doon!

"I see" he answered calmly

For real?

No violent reactions?


Akala ko pa naman papaulanan na nya ako ng sermon dito!


*door opens*

"Mr. Monte- "

naudlot ang pagbati ng bagong pasok na mukhang nasa late 50's na lalaki nang makita kung sino ang nakaupo sa office table niya.

Takang naguguluhan itong nakatitig kay Argus

"Good morning!" Ako nalang tuloy ang bumati sa kanya at sumaludo pa ako gamit ang dalawang daliri dahil hindi naman siya pinansin ni Argus.

Hindi ko alam ang pangalan niya dahil si Argus ang kumuha dito para magpaimbestiga tungkol kay Laerie.

Ms.Anonymous WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon