Chapter 2 *The Face-off*
(Sa Bahay)
"Ma, nandito na po ako!" bungad ko agad pagkapasok ko ng bahay galing sa school
naabutan ko si mama na nagluluto ng hapunan.
maliit lang bahay namin na inuupahan, may maliit na sala,kusina at banyo, may isa ring kwarto na dalawa naman ang kama kaya kahit papaano ay hindi kami naggigitgitan sa higaan ni mama.
"Magbihis kana Leng ,saglit lang ito at matatapos na ako dito"
"Sige po ma"
dumeretso ako sa kwarto para magbihis ng damit pambahay
hinanger ko ang maganda kong uniform
- ang uniform na nagpapakilala kung saang school ako pumapasok, ang tanging school na tanging mayayaman at may sinasabi sa lipunan ang may kakayahang pumasok dahil sa mahal ang tuition fee dito.
kaya nga tuwing lalabas na ako ng bahay na suot suot ito, lahat ng tsismosang kapitbahay namin, tinatanong kung paano ako nakapasok sa school na iyon, dahil kahit ipunin pa ang pang isang taong sahod ni mama sa paglalabada ay hindi parin makasasapat iyon sa pang-aral ko doon.
ang tanging sinasabi ko nalang na:"scholar lang po ako dun,"
tas susundan pa nila ng tanong na:"Ano ba yung scholar?" inosenteng tanong nila
napapa jusmio-marimar nalang tuloy ako ×_×
kaya alam niyo na kung bakit gusto kong umahon sa hirap? haayss buhay nga naman parang life. .
Habang kumakain kami ay kinamusta ko ang paglalabada ni mama sa amo nito, twing alas otso hanggang alas tres ng hapon kasi ang paglalabada ni mama doon twing sabado
At pagkatapos naming kumain ay nagpaalam akong mauuna nang pumasok sa kwarto,gagawa muna ng "assignment" kuno
kumuha ako ng stationary at ballpen. .
saglit na napaisip. . .
kung inipon ko yung mga pambili ko ng stationary kay Argus sa loob ng tatlong taon,siguro may mahigit isang libong piso na ako ngayon. . pero di bale. . para naman sa kanya ito eh.
at pinagpatuloy ko ang pagsulat. .
Argus,
Kamusta araw mo? alam mo ba marinig ko lang boses mo, bumibilis na ang kabog ng dibdib ko. Wala talaga akong makuhang lakas na loob na magpakilala sayo kaya lagi kong idinadaan dito.
Sana makita naman kitang ngumiti. .
Anonymous Writer
(Kinabukasan sa School)
Mag-isa kong tinatahak ang corridor papuntang chess dapartment. May pinatawag kasing meeting.. maaga naman na nagsi-uwi sina Cess at Aj, isa pa, ibang department ang sinalihan ng mga ito.
hindi naman ako mahusay pagdating sa larong ito, pero marunong naman ako ^__^
Napahinto ako sa paglalakad nang makita sina Argus at Bernard na nakatayo malapit sa bintana ng corridor.
hindi ko tuloy malaman kung tutuloy pa ba ako o hindi sa paglalakad. . pero dalawang room nalang ay mapapasok ko na ang chess club
*gulp* hawak ni Bernard ang love letter ko kay Argus!
BINABASA MO ANG
Ms.Anonymous Writer
RomansaHighest Rank achieved: #1 in funny moments category 07/2022 "Ms. Anonymous writer " that's Laerie's code name everytime na binibigyan niya ng love letter ang so-deadly-snobbish na si Argus Montemayor. PRESENTING. . . . It's a Comedy-Romance story...