Chapter 34 *The Trap*

114 0 0
                                    

Chapter 34



-- Construction Site --

(Laerie' PoV)

"Well, now that you've got a grasp on what's really happened. . . What are you gonna do about it?" Tanong si Sam


Magkasabay kaming naglalakad habang pinagmamasdan ang mga workers sa ginagawa nila.

Humiwalay kami sa grupo nila Argus tutal na a-out of place ako kapag nagsisimula na silang mag usap usap tungkol sa constructions kasama ng mga engineers at foremen dito.

Kaya nagpasama ako kay Sam na maglakad-lakad na lang kami.
Binilinan nalang kami ni Argus na huwag magagawi sa mga parte na may mga heavy equipment.

Yung magaling ko namang pinsan, ayun nag stay sa remote office dito. Ayaw daw niyang maglakad sa gitna ng katirikan ng araw! Doon nalang daw niya kami hihintayin.

"Obvious ba. . . ? " Hawak ang nirolyong blue print, tinuktukan ko ang color gray safety helmet na suot niya  "edi aamin na ako sa kanya.. Kagabi pa nga dapat kaso inisahan ako ng magaling kong pinsan!" *pout* matapos kong ikwento sa kanya ang lahat, magtatanong pa ng obvious?

"Hey! It wasn't necessary to do that!" angal nito matapos akong tarayan ng mata.

"Eh kasi ikaw eh!"

"I just wanna make sure you'll do the right thing, why don't you try to talk to him again?"

"Tingin mo ba wala yan sa plano ko? Kanina pa nga ako naghahanap ng tyempo." Napabuntong-hininga ako, oras-oras nalang  kasi kung hindi may kausap sa phone si Argus ay may kausap naman itong ibang tao at take note mula pa kaninang umaga! Tatakbo ba siyang Presidente ng Pilipinas sa sobrang pagka abala?!
"Sumilong muna tayo sa building na yun! Namamawis na kili-kili ko!" Sabay hila ko sa kamay niya


"Language Hanny!"

Tsss. Wala naman saming nakakarinig!
"Natural lang 'yon! Ang init kaya! At isa pa pala Sam, may utang ka ba kay Cess?"

Ilang metro nalang ang layo namin sa ginagawang malaking building.  Buo na halos ang ground floor nun kaya kahit papaano ay may mapagpapahingahan kami.

Saka jusko! Nakakapagod yung mga ganitong kalaking sites kung lalakarin lang. Para akong nagpipinetensya!

Hindi kaya ng powers ko!

Dapat may sasakyan kahit papaano diba? Bike, kabayo or pwede kaya yung baka?!

May natanaw akong mga baka sa nadaanan naming hindi pa nagagawan o natatayuan. Parang mga nanginginain dahil madamo pa ang lugar.

"Why?"

"Kagabi ka pa niya hinahanap sa akin, di ka naman daw sumasagot sa phone mo"

". . . "

Tumaas ang kilay ko nang makitang namula si Sam. *pout* Baka sa init lang ng araw?. "Basta tawagan mo mamaya, baka may kailangan sayo, saka hindi yun titigil hangga't—SUS MARYOSEP!"


"F*CK!!!"

Nanghihintakutang napayakap kami ni Sam sa isa't isa habang hindi makapaniwalang nakatingin sa bumagsak na mga sako ng semento mula sa itaas.

Bigla akong nanginig. .

Parang tumigil ang paghinga ko!

Mga ilang hakbang mula sa kinatatayuan lang namin bumagsak ang mga sako ng semento kasama pa ang kahoy na paleta na pinaglalagyan nito.

Ms.Anonymous WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon