Chapter 1 *The Beginning*

424 12 4
                                    

Chapter 1

"You always give him a letter as Ms.Anonymous writer. You never stop writing him huh?" tudyo sa kanya ni A.j(isa sa mga bestfriend niya)

kasalukuyan silang nasa canteen ngayon, kumakain dahil lunch time na, pero bago pa nga nila gawin iyon ay dumeretso muna sila sa locker ni Argus para palihim niyang maihulog ang love letter niya dito.

"Are you not used to it A.j , since first year college she always do that, I dont know what kind of drugs does she takes . . " tuloy-tuloy na lintaya ni Princess (bestfriend niya rin)

Napabuntong hininga siya. Sa tuwing matatapos siyang magpasama sa mga ito na maghulog ng love letter  ay ganito palagi ang conversation ng dalawa niyang bestfriend. Kulang nalang irecord niya mga sasabihin ng mga ito para hindi masayang ang  laway.

Paano nga ba nagsimula na maadik siyang maghulog ng love letter sa locker ni Argus?

Kasi ganito yun. . . 

Once upon on time,  long long time ago, there was a princess named---- pero syempre hindi ganyan yung kuwento ^_^

Ito na talaga iyon

(Flashback)

That was the time that everybody preparing for the final exam.

Sa Ground Floor ng building nila ay nagkakaguluhan ang mga estudyante.

Pinagkakaguluhan kasi nila ang nakapaskil na schedule with corresponding room for the review classes.

At ito ang kagandahan ng School nila, bago pa ang araw ng exam ay magkakaroon muna ng dalawang araw na review classes, and it's optional if you want to attend or not, kung sa tingin mo matalino kana at sisiw nalang ang exam sayo, ay matulog ka nalang haha.


(Laerie's PoV)

"Ano bang nangyayari sa kanila, daig pa may relief goods kung magkagulo ah."

Bigla kong nasabi nang makita ang mga estudyanteng mula first to fourth year na nagkakaguluhan sa harap ng bulletin board.

Ito ang mga panahon na hindi ko alam na ang pinagkakaguluhan pala nila, ay ang maging ka-room sa review classes ang grupo nila Argus (specially mga 2nd year college, dahil noong panahong ito na first year college ako ay 2nd year naman itong si Argus) kaya nagpapatayan ang mga 2nd year sa pagtingin sa bulletin board na iyon.

(buntong hininga)

"bakit ba kasi pinagsama-sama sa isang bulletin board ang pagpopost ng schedule ng review classes ng first year to fourth year eh, ayan tuloy mukhang boxing arena itong nakikita ko." sabi ko habang nakatayo malapit sa napakadaming taong nagkakagulo sa bulletin.

"Kung wala silang ibang bulletin board na pagdidikitan niyan, dapat sa c.r nalang namin nakadikit ung schedule ng mga first year eh, para payapa!" nakasimangot kong sabi.

Matapos kong kausapin ang sarili ko ay napahigpit ako ng kapit sa mga aklat na nasa kamay ko, ang Filipino at English na book.

pakiramdam ko kapag nakipag gitgitan ako sa kanila ay tatalsik itong mga hawak ko.

Naiimagine ninyo ba ang hitsura ng mga naggigitgitang mga tao? Yung tipong nagwe-wave pa yung motion nila? XD

"Alam ko na para mag-alisan sila!" nakangisi kong sabi

napasinghap ako nang malalim sabay sigaw ng:

"May Booommmbaaa!!! may bomba diyan" Tili ko, habang nagpapanic na tinuro ko ang ilalim ng bulletinboard.

Ms.Anonymous WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon