Chapter 33
"Bakit hindi pa tayo sumabay sa kanila?" Tanong ko kay Sam matapos umupo sa napili niyang mesa dito sa coffee shop sa loob ng isang mall.
"I need to buy some things before we go there"
Nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga.
Ang orihinal na usapan ay sabay-sabay kaming lahat ngayon na babyahe papunta sa tutuluyan naming transcient house para sa gagawing site visit sa Ventures Airline.
Napagkasunduan na isang malaking Van nalang ang gagamitin para sama-sama na kaming lahat sa byahe.
Kaya panigurado tuwang-tuwa si Natasha ngayon dahil solo niya ang presensiya ng mga kaibigan ni Argus sa sasakyan!
Lalo tuloy akong napasimangot."Panigurado naman sa pupuntahan natin may mabibilhan ka ng mga kailangan mo diba?" haler! Hindi naman isolated place yung pupuntahan namin. Tss! Minsan 'tong si Delilah iba din mag isip!
Tinaasan niya lang ng kilay ang pangangatwiran ko matapos sabihin sa crew ang inorder niya— "teka! Bakit pang isahang tao lang yung inorder mo?" Angal ko nang makaalis ang kausap niya.
"That's only for you" sagot nito at tumayo "I've decided to buy my stuffs alone.. Just wait me here Hanny para makaalis na tayo agad mamaya." Sabi nito at pagkatapos ay tuloy-tuloy na naglakad palayo.
Tingnan mo yung taong 'yon iiwan din pala ako dito mag-isa! As if naman magtuturo ako ng kung ano-ano para magpabili din sa kanya! Ayaw pa akong isama!
[Pasabuy, any chocolates without caramel]
-msg. Sent-*^o^*
Tinago ko agad ang cellphone pagkatext ko sa kanya. Sana nabasa nya! hihi
At nagsimula na akong kumain nang dumating ang mga pagkain.
Nakakailang subo palang ako nang bigla akong napatigil.Teka! Never pang sinabay ni Sam ang kanyang personal matters pagdating sa trabaho. At ugali niyang palaging on time sa anomang naka set na schedule!
Anong meron at nagpa-late kami sa pagpunta doon sa transcient house?
Eh malamang naman na alam ni Sam na trabaho pa rin ang purpose ng pagpunta namin doon at hindi lang para magbakasyon diba?!May iba eh! Nararamdaman ko!
"Laerie??"
*cough* *cough*
Nasamid ako sa hinigop kong kape nang marinig ko ang pangalang 'yon.
"Oh my ghad!! Laerie! It's really you!"
Nagsiyakap silang tatlo sa akin kaya napatayo ako sa kinauupuan ko.Para akong tuod na hindi malaman kung papaano ipupwesto ang mga braso. Ni hindi ko tinugon ang pagyakap nila.
Sa higpit ng yakap nila, akala mo'y long lost friend nila ako at sabik na masilayang muli.Sila na din ang kusang nag siupo sa harapan ko matapos nila akong yakapin.
Pero ako. . . nakatayo padin at naguguluhan sa mga nangyayari."I can't believe what I'm seeing right now, you look. . . . look so expensive. .so fancy Laerie "
"So glad to see you again"
"How have you been?"
Kusang kumunot ang noo ko.
Sa pagkakatanda ko walang segundo na hindi mainit ang dugo nila sa akin noong mga college palang kami, oh eh bakit sila ganito ngayon?At saka paano nila nalaman na nandito ako?
"Wait! Di mo na ba kami natatandaan?" Mukhang nahalata nilang naguguluhan ako sa mga nangyayari"here's Chloee, Clarisse and me-Demi "
BINABASA MO ANG
Ms.Anonymous Writer
RomanceHighest Rank achieved: #1 in funny moments category 07/2022 "Ms. Anonymous writer " that's Laerie's code name everytime na binibigyan niya ng love letter ang so-deadly-snobbish na si Argus Montemayor. PRESENTING. . . . It's a Comedy-Romance story...