CHAPTER 13.2 *HIDE AND SEEK*
--CONFERENCE ROOM—
(LAERIE'S PoV)
[(x4+2x)-(3x-6)dx]
Paano ko ba ito sisimulang sagutan? Nakakahilong tingan yung "x" saka yung mga numbers! Nak ng Teteng talaga! Huhuhu kanina nung tinuturo ito ni Argus, parang ang dali lang! -_- Bakit ngayon?? Nyare?
Ilang beses akong napakamot sa ulo at panay pa kagat sa lapis na hawak ko. Pwe! Lasang kahoy! Huhuhu nagugutom na rin ako.. Panaka-naka'y sinisimplehan ko ng tingin si Argus na prenteng nakadekwatro sa tapat ko habang nagbabasa ng hawak nitong libro.
Siguro, Hinirapan niya itong equation na sasagutan ko! Hmp! Siguro akala niya bopols ako at hindi ko talaga ito masasagutan ah!
Ha! Kala naman niya hindi ko talaga kaya ah!
Hinigpitan ko ang hawak ko sa lapis at punong-puno ng pag-asang seryosong hinarap ang equation! Kaya mo to Laerie! MADALI LANG 'TO!
30 seconds na pakikipagtitigan sa equation..
.
.
.
45 seconds...
.
.
.
1 minute and 13 seconds...
.
.
.
Huhuhu! paano ba dapat 'to sagutan?!
*kamot ulit ng ulo*
*Kagat ulit sa lapis*
pwe! Lasang kahoy talaga!
Tiningnan ko ulit si Argus, seryoso parin ito sa binabasa nito.
*kamot ulo*
Bakit ba ako namomroblema ng ganito?
(FLASHBACK)
Napapikit pa ako sa lakas ng pagsarado ni Argus ng pinto ng conference room
Dire-diretso nitong tinungo ang isa sa mga upuan sa long table, marahas na nagbunga ng hangin at padabog na hinagis sa lamesa ang mga hawak na libro.
Para akong tuod na hindi makagalaw sa pagkakatayo ko sa nakikitang galit sa mukha ni Argus.
Parang gusto kong lingunin ang pinto at tumakbo.
Huhuhu nakakatakot si Argus.
Mukhang sobrang ikinagalit nito ang pananakit ko sa kaibigan nito huhu, nagbibiro lang naman ako eh.
*Ring ring ring*
"Yes she's already here, tita Melody.." sagot ni Argus sa phone "Why? But--"
Hala! Si Mada'am Satillan!
Biglang nangatog ang mga tuhod ko. Sinumbong ba agad ako ni Argus sa tita niya? Nak ng... mapapatalsik na ba ako sa university na ito? Waaahhh...huhuhu paano ko maiaahon sa kahirapan ang nanay ko? Paano pa mapapaunlad ang bansang ito ?Huhu
"ok tita......bumaling s akin si Argus... Cristobal!" sabay abot sa akin ng cellphone nito
Hala!!! Heto na, sinumbong nga talaga ako!
BINABASA MO ANG
Ms.Anonymous Writer
Roman d'amourHighest Rank achieved: #1 in funny moments category 07/2022 "Ms. Anonymous writer " that's Laerie's code name everytime na binibigyan niya ng love letter ang so-deadly-snobbish na si Argus Montemayor. PRESENTING. . . . It's a Comedy-Romance story...