Chapter 17 *Perdita*

83 4 1
                                    

Chapter 17


Kakasimula palang ng lunes pinagkaisahan na naman ako ng grupo nila Demi!
Lagi nalang akong binubwiset!


Hindi siguro sila mahal ng mga nanay nila!! Asar!


"Let's go to cafeteria para mawala yang pagkainis mo Dear " alo sa akin ni Aj habang naglalakad kami papunta dun

"Yep! We will treat you nalang anything you want" Cess

Hayss. . Buti pa sina Cess at Aj maganda ang task na binigay sa kanila para sa school fest.

Katatapos lang kasi namin makinig ng mga instructions na iniannounce kanina sa Dome para sa darating na School Festival.
At dahil nga nagkalat ang alipores ni Demi mantakin ba naman ang ilan pa sa mga ito ay mga officers pa para sa pag organize sa event na iyon.

Anak ng teteng! Kumukulo na naman ang dugo ko kapag naalala ko na naman ang binigay sa aking task!

Kung hindi lang sa kanila manggagaling ang grade participation sa school fest kanina ko pa pinaglalagyan ng mga poknat mga kilay nilang sabay-sabay na tumataas kapag nakikita ako!






"Hey! Three gorgs. dito na kayo!"

Sabay kaming napalingong lahat sa pinanggagalingan ng boses pagkapasok namin ng cafeteria
kahit hindi na namin sinuhin ang nagsalita ay kilalang kilala na namin

Bernard

Lahat nga ng kababaihan dito ay todo ngiting napatingin kay Bernard, pero agad din naman nagsipag simangot ng malamang kami pala yung tinatawag

Lumingon ako sa bandang kanan ko nang makaramdam ako ng awrang kinulang sa aruga ng magulang!

nginitian ko sila ng pagkatamis-tamis sabay nilabas ko ang dila ko kina Demi at sa mga kasamahan nito ngayon sa table.

Pwes! Mamatay kayo sa inggit!

At hinila ko na sina Cess at Aj papunta sa table nina Bernard.

"Ano pagkain nyo?" Umupo ako sa bakanteng upuan at pinagdiskitahan ko ang fries na nasa gitna ng table nila.

Kumpleto silang magbabarkada ngayon dito sa table. Si Lee lang ang wala , sabagay nakita ko pa sila ng mga classmates niya na naiwan pa dun sa Dome kanina. Mukhang may pag-uusapang importanteng mahalaga.

"I'll go to the counter what do you like to eat?" Tanong ni Vann na nakangiti maging ang mga mata, lumitaw tuloy malalim na dimples nito sa pisnge

"Wag na ako, ililibre na ako ni Cess eh" mamya ay maningil pa 'tong si Vann matapos niya akong bilhan.

Bumaling ako kay Cess "kahit ano nalang sa akin, ikaw na bahala" diyan tayo dapat sa praktikal hihi. Libre!

"Ekey!"

"Dont worry, my treat!" nakangiting sagot ni Vann, waaaah napakasmiling face nya talaga!


"WAAAAHHH talaga!!!. . . .Sorry . . " paumanhin ko sa katabi kong si James at pinagpagan ko ang manggas ng uniform nito na natalsikan ko ng french fries nung sumigaw ako.

Naramdaman ko pang napapitlag pa ito nang dumampi ang palad ko sa uniform niya.

Bukod dun wala na siyang iba pang reaksyong pinakita.
Ni hindi nga niya ako nililingon!
Kahit na tumalsik pa sa kanya yung kinakain ko basta nakatungo lang siya sa pagkain nyang hindi naman niya ginagalaw simula nang tumabi ako sa kanya.

Ms.Anonymous WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon