Chapter 32 *Mission*

73 1 0
                                    

Chapter 32



"H-ha? Sigurado ka ba?" tanong ko ulit kay Argus na nasa kabilang linya. "Ahh. . Eh. . . . .if you want I can refer you with other broker?" kagat-kagat ko ang kuko ko habang nakatingin kay Sam.



Ano na naman bang trip ni Argus at naisipang bumili ng property kay Larina? Wala ba siyang mapaglagyan ng kasalapian niya?



Nandito kami ngayon sa loob ng sasakyan na nasa parking lot ng S&M corp.



Nakita kong sumulyap sa suot na relo si Sam at pinandidilatan na niya ako ng mga mata. Huhu.
Ilang minuto nalang kasi ay magsisimula na ang meeting namin pero nandito pa din kami sa parking area.



Dito kasi gaganapin ang napagkasunduang meeting place para pag-usapan ang progress ng project. . . o mas magandang sabihin. .  dito ang pabor ng buwisit na Argus na yun!



"Ahmm. . Kasi. .  Ahmm. . naka quota na ako for this month" anak ng teteng, napakakulit! Bakit ba hindi na lang siya sa iba bumili?? ". . ng resthouse? Aaah. . .  I'll check it kung may available pa ah" patay na! Saan naman ako hahanap ng resthouse na ibebenta sa kanya?



Sumulyap ulit ako kay Delilah, umuusok na ang ilong niya.
Bumaba siya ng sasakyan at hinatak na ako palabas! Pinaka ayaw niya sa lahat ay yung nalelate sa mga meetings.
Waaah! Talagang sinasabayan niya ang pagkatense ko ngayon!



Nagsimula na siyang maglakad papasok ng building matapos akong senyasan na tapusin na ang tawag.
pero paano ko ba lulusutan 'to? ang hirap kausap ni Argus, pinipilit parin ang gusto!



Matapos ang ilang hakbang ay nilingon ulit ako ni Sam para bigyan ng katakot-takot na sulyap.
Waaah!! mas masungit pa ata siya kay Gran!




"Aaah. . Sige sige, may stocks pa ata kami, este may resthouse pa" sabi ko para matapos na. Bahala na! "Ahm. . Sige I need to end this call na, I have to go for a meeting—I mean. . may gagawin lang ako, sige bye!" saka lang ako nakahinga ng maluwag at sumunod na sa likuran ni Delilah sa paglalakad.



Napakakulit kasi ni Argus, pagkabigay ko sa kanya kahapon ng contact number ko-- syempre yung bago ang binigay ko,, yung hindi ko talaga gamit bilang Hanna Del Ferrer ^_^!
Kailangan maging maingat ako para maging success ang mission ko diba?!
Ayun. . . Nakailang tawag na siya sa akin mula kahapon at gusto daw makabili ng property!



Talagang papatulan niya ang pagiging real estate agent ko? Hayss


.

.

.

.

"Fix yourself" bulong sakin ni Sam

Mukhang napansin niya ang busangot kong mukha.

Nakaupo siya sa bandang kanan ko dito sa mahabang table ng conference room. Nasa kanan naman ni Sam si Natasha.

Oo! Kasama na namin siya ngayon!

Hindi ko alam kung paano na siya nakatama sa meeting na pagdarausan ngayon.
Ilang araw lang naman din niya ako gineyera dahil puro mali daw ang location ng meeting ang napupuntahan niya nitong mga nakaraan!


Ako pa nasisi! Hindi ba pwedeng si Sam ang may pakana nun?
Hayss! Love is blind talaga!

Sa katapat naman namin nakaupo sina Bernard, Vann at James.
Si Argus ang  nakaupo sa pinakaunahan nitong table.

Ms.Anonymous WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon