Chapter 7 *Two days review classes*
Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala matapos ang dinner date namin kasama si Lee. .
Hinahanap pala niya ako matagal na?
May tama yata yun sa akin.
Mukhang crush ako aiyee. . ^_^
Whoo inhale. . Exhale kinikilig akecth emeged. .
Nilingon ko yung sementong nilalakaran ko, baka nakasayad na buhok ko sa sobrang haba
Hahaha hohoho joke ^_^V
Hays lakas makaganda ng araw ang isang Lee sa buhay ko haha
Pagpasok na pagpasok ko palang ay mas todo ngiti pa pala sina A.j at Cess sa akin
"Hmm theres something fishy with your smile Laerie huh?"
"Hala Cess ako na naman nakita nyo?"
Lagi nalang akong pinapansin ng mga to. . Buti nalang wala pang prof makakapag daldalan pa kami.
"You're so blessed to have Lee's attention girl"
Bigla namang nagtigilan sa pag-iingay ang mga classmates naming mga babae.
Nak ng teteng! May mga ilang member nga pala dito ni Demi
Lahat sila ang tatalim kung tumingin. Kung nakakahiwa lang yung mga tingin nila, instant giniling na kaming tatlo dito.
"Am I deaf or you Just actually said about Lee's attention?" pangunguna ni Clarisse, member ng Demi's
Napahigpit ng kapit sakin sina A.j at Cess
Kung pakikipagtarayan lang ,kaya ng mga itong makipagsabayan pero kung pisikalan na ay tatakbo na ang mga ito.
Eh itong Demi's Team kaya lang naman nagtatapang-tapangan sa University dahil sa marami sila.
Naku. . . Porket madaming kasama kaya ang tatapang.
"Yep! You heard it right! Why Clarisse, is there something wrong" pagmamatapang ni Cess
Naku taray ng lola nyo.
Lumapit si Clarisse, mukhang susugurin ng sampal si Cess kaya humarang ako bigla para protektahan si Cess
"Subukan mo lang Clarisse!"
Tinapangan ko na boses ko at masamang tiningnan si Clarisse.
JuiceColored! Sana effective!
Ayoko namang pagtulungan nila kami dito.
Kung ako lang sana baka pwede pa, kaso ayoko namang masaktan tong sina Cess at A.j , parang wala naman kasing kamuwang-muwang ang mga ito kapag pisikalan na!
Nagsubukan kami ng tingin ni Clarisse.
Tinaas ko dalawang manggas ng uniform ko at inistrech ang leeg at ang balikat ko na parang handa nang makipag bugbugan
JuiceColored sana effective!
"Goodmorning class!"
Hays! Buti dumating na ang prof!
"Hmp! May araw ka din Laerie! I'll bet Demi would be interested to hear about this"
Sinabi nito, bago bumalik sa kani-kanilang upuan.
BINABASA MO ANG
Ms.Anonymous Writer
RomanceHighest Rank achieved: #1 in funny moments category 07/2022 "Ms. Anonymous writer " that's Laerie's code name everytime na binibigyan niya ng love letter ang so-deadly-snobbish na si Argus Montemayor. PRESENTING. . . . It's a Comedy-Romance story...