Chapter 6 *Meet the Girl in the Picture*

152 10 8
                                    

Chapter 6
*Meet the girl in the picture*




(3rd person's PoV)

Kasalukuyang naglalakad si Argus papunta ulit ng locker niya, pagkabukas niya ng pinto ay nagulat siya nang may isang babaeng estudyante ang nakita niyang nakatayo sa kanyang locker at may kung ano ito na isinusuksok na papel dito

"Hmm, Is she miss Anonymous writer?" Paghihinala niya, sa tatlong taon na pagsusulat nito sa kanya ,panahon na siguro para makilala na niya ito

Dahil sa nakatalikod ang babae ay hindi niya mapagsino ito. Pero isa lang ang sigurado niya base sa nakikita niyang color lace ng uniform nito ay isa itong 3rd year college

" hmm. . I got you"

Tahimik na naglakad si Argus para lapitan ito at hinawakan niya ito sa balikat na ikinagulat naman ng babae at humarap ito kay Argus

"You?!!" Bulalas niya ng mapagsino ang kaharap

Sa sobrang gulat ng babae ay nabitawan nito ang papel na hawak na slow motion na lumapag sa sahig.

Parehas sila na napatingin sa nalalag na papel

At kitang kita ni Argus ang nakasulat dito na "from: Anonymous Writer"

"And you are miss Anoymous Writer?!" Napalakas niyang sambit.
Nakayuko lang yung babaeng kaharap niya. Parang hiyang hiya ito sa pangyayari at tulad ng dati hindi na naman nito makayang salubungin ang tingin niya. Ito yung babaeng dating nahuli niyang lumabas sa locker nila at nagpalusot na naglalaro lamang ng hide and seek.

Kaya pala madalas niyang makaengkwentro ang babaeng ito, dahil ito pala si miss Anonymous Writer, ang taong tatlong taon na may tinatagong feelings sa kanya.

Hindi mawari ni Argus kung ano ang dapat na maramdaman niya ngayon na ito pala si Anonymous writer. Parang 50% natutuwa siyang ito ang sumusulat sa kanya at 50% naman ang inis niya dahil kabaligtaran ng mga tipo niya sa isang babae ang tinataglay nito -_- ang epic naman.

Maya-maya ay naririnig na niyang humihikbi ang kaharap,

"Why?" tanong niya habang masuyong inaangat ang ulo nito upang matiyak kung umiiyak nga ito.

At hindi nga siya nagkamali, umiiyak nga ang babae, mukhang natakot yata ito sa kanya

Napatitig si Argus sa mukha nito. May bahagi sa puso niya ang parang kinurot na makitang umiiyak ito. Hindi niya alam kung bakit, nakapagtataka lang dahil hindi naman talaga siya ganito.

Lalo lamang siyang napatitig sa mukha nito

Indeed! She had an angelic face while she crying. A very pure innocent face that can every heart melts. That can everyone will fascinate to stared of.

Namamagneto na siya sa mukha nito nang sa pagkabigla niya ay nagbago agad ang awra ng mukha ng kaharap, nawala ang maamo nitong mukha at tumawa ito ng malakas ng malakas ng malakas hanggang sa mabingi siya.

Napabalikwas siya sa kanyang higaan

//_//

Panaginip ba yun o nightmare?

Kahit sa panaginip ginugulo ako ng babaeng iyon.

Napa facepalm siya. .

Napatingin siya sa orasan, 7:30 pm na, nakatulog pala siya pagkauwi kanina mula sa school.

(Knock. . . Knock)

"Come in"

Binuksan ng katulong nang bahagya ang pinto pero hindi ito nagkamaling pumasok kahit isang footstep lang.
"Sir, nakahanda na po ang dinner, pinababa na kayo nila maam"

Ms.Anonymous WriterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon